Ellen gustong makilala ng World’s Hottest Math Teacher!

Nasa bansa ang tinaguriang World’s Hottest Math Teacher, ang Italian engineer-model na si Pietro Boselli bilang pinakabagong International celebrity endorser ng Bench Body. Dumalo siya sa Bench Fashion week last March 12.

Sa press conference na ibinigay sa kanya ng Bench, natanong ang Italian model kung may isang Filipina beauty na gusto niyang makilala habang siya’y nasa bansa. Nagkataon namang nasa cover ng Cosmopolitan Philippines si Ellen Adarna na nakita niya at sobra umano siyang nagandahan sa ex-girlfriend ng Presidenital son na si Baste Duterte at gusto niya itong makilala bago siya bumalik ng London. Agad nakarating kay Ellen ang sinabi ni Pietro at willing siyang makita ng Kapamilya sexy star na naging kapamilya rin ng Bench. Tiyak ding gagawan ito ng paraan ng big boss ng Bench na si Ben Chan na magkakilala ang dalawa.

Roxanne at Will ayaw pa ring pakasal

Hindi alam ng marami na matagal nang magka­sintahan ang model-actor na si Will Devaughn at ang singer-actress na si Roxanne Barcelo at malaki ang naitulong sa kanilang relasyon ng hindi nila gaanong pagiging open sa publiko.

Apat na taon nang magkasintahan sina Will at Roxan­ne at sumasagi na rin minsan ang tungkol sa plano nilang pagpapakasal pero hindi umano ito mangyayari any day soon.

Will is 35 at 32 naman si Roxanne.

Si Will ay dumating sa Pilipinas in 2004 na walang alam ni isang Tagalog word pero ngayon ay bihasa na siya.

Ang ina ni Will ay may German descent habang ang kanyang ama ay may halong Filipino-American-African blood. In 2007, pumasok siya sa ikalawang edisyon ng Pinoy Big Brother where he placed 4th.

Nora naudlot na judge sa Tawag…

Hindi naging malaking kawalan sa It’s Showtime ang pag-back out bilang guest-juror ng Tawag ng Tanghalan grand finals ng Superstar na si Nora Aunor para hindi nila (It’s Showtime) makopo ang ratings last Saturday.

Majority ng mga televiewers ay nakatutok sa kauna-unahang grand finals ng Tawag ng Tanghalan na ginanap sa Resorts World Manila.

Magsisilbi rin sanang tribute kay Guy (Nora) ang guesting niya sa It’s Showtime last Saturday dahil siya ang pinaka-successful na produkto ng Tawag ng Tanghalan but at the last minute ay nag-back out siya para mag-guest sa Jackpot en Poy game portion ng Eat Bulaga at itinuro niyang dahilan ang main host ng It’s Showtime na si Vice Ganda.

Ang isa pa umanong rason kung bakit siya (Nora) nag-guest sa Eat Bulaga ay dahil na rin sa kanyang pagtanaw ng utang na loob sa isa sa mga haligi ng longest-running noontime show na si Tito Sen (Sen. Tito Sotto) dahil sa tulong nito sa nakababatang kapatid ni Guy na si Eddie Boy Villamayor nung ito’y maysakit hanggang sa bawian ng buhay.

Ang katwiran naman ng marami, puwede naman daw mag-guest si Guy sa Eat Bulaga sa ibang araw samantala ang napakalaking event tulad ng grand finals ng Tawag ng Tanghalan ay minsanan lamang mangyari. At malay din niya na baka gawin din siyang regular judge ng Tawag ng Tanghalan. Pinakawalan ni Nora ang nasabing oportunidad.

Show comments