^

PSN Showbiz

Iza nakasungkitng best performance award sa Osaka

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi nasayang ang pagpunta ni Iza Calzado sa Japan para sa 2017 Osaka Asian Film Festival na nag-umpisa noong March 3 at natapos kahapon, March 12, dahil nag-win siya ng best performance award.

Si Iza ang tumanggap ng Yakuso Pearl Award dahil sa acting niya sa psycho-thriller movie na Bliss na mula sa direksyon ng award-winning director na si Jerrold Tarrog.

Ginanap noong Sabado sa ABC Hall ang awarding ceremony at sa kanyang acceptance speech, inialay ni Iza ang award sa mga magulang niya na namayapa.

“Thank you so much to the Osaka Asian Film Festival for this award. Thank you to the jury members, for selecting me.

“I am very happy and proud to represent my country, the Philippines, and our film Bliss.

“Thank you to my director, Jerrold. Thank you to our Filipino crew for all the moral support.

“I share this award with all the other brilliant performers who are part of the other films especially Alex.

“I would like to say a special thank you to my parents who are watching above in heaven and I feel their presence.

“And thank you so much for motivating me to continue honing my craft and being an actor,” ang speech ni Iza na hindi questionable ang panalo dahil may ibubuga talaga siya sa pag-arte.

Kasama ni Iza sa Osaka Asian Film Festival ang kanyang artistahin at  ever supportive boyfriend na si Ben Wintle. Matagal-tagal na rin ang love affair ng dalawa dahil kung tama ang kuwenta ko, anim na taon na ang relasyon nina Ben at Iza as in kasal na lang ang kulang sa kanilang very compatible na pagsasama.

Forte na talaga ni Iza ang mga horror at psycho-thriller movie.

Mga horror ang karamihan sa mga pelikula na tinampukan niya, ang Ilawod, Maria Leonora Teresa, Haunted Mansion, White House, at ang Hollywood movie na The Echo.

“Horror Empress” na nga ang tawag kay Iza dahil nalilinya siya sa paggawa ng mga nakakatakot na pelikula, kahit napakahusay niya na dramatic actress.

Masarap katrabaho si Iza at naranasan ko ito nang magkasama kami noon bilang mga council ng Starstruck V noong 2009. Grabe, ang bilis talaga ng panahon. Walong taon na pala ang nakalilipas mula nang ilunsad ng GMA-7 ang Season 5 ng kanilang reality-based artista search.

Si Iza ang nag-iisang Pinoy na nanalo sa 2017 Osaka Asian Film Festival.

Best Picture o Grand Prix ang Hong Kong movie na Mad World, Most Promising Talent winner si Fish Liew ng Macao para sa pelikulang Sisterhood, Special Mention ang By the Time it Gets Dark ng Thailand, ang Love and Goodbye and Hawaii ng Japan ang tumanggap ng Japan CUTS award at ang Soul Mate ng Hong Kong ang binigyan ng ABC Award.

Ang bagong silang na anak ni Davao City Mayor Sara Duterte na si Stonefish na may kakaibang name ang pumasok sa aking busilak na isip nang malaman ko na may Chinese female star na Fish ang pangalan.

Si Fish ang pinarangalan ng Most Promising Talent Award.At least, hindi  nag-iisa si Stonefish.

 

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with