Ang pamosong linya sa isang kanta na “Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal. Hayaang matakpan ang kinang na ‘di magtatagal…” ay madalas kantahin sa isang location shoot dahil sa isang may edad nang aktres.
May kuwento sa likod ng kanta, sila-sila lang ang nagkakaalaman sa produksiyon, pero may isang source na nagbunyag ng dahilan kung bakit.
Kuwento nito, “Kasi nga, e, napakahilig mag-uwi ng mga pagkain ng veteran actress. Kinukuha niya ‘yun siyempre sa catering. Nu’ng una, e, mga tira-tira lang talaga ang kinukuha niya, para raw ‘yun sa mga alaga niyang aso.
“Okey lang naman ‘yun, wala namang problema, mas nakagagaan pa nga ‘yun sa mga utility para hindi na nila problemahin pa kung saan dadalhin ang mga kaning-baboy.
“Pinagagaan ng veteran actress ang trabaho nila, kapag break na, e, nag-iipon na ng mga tira-tira si ____(pangalan ng beteranang aktres), meron na talaga siyang lalagyan.
“Pero nu’ng kalahatian na ng taping ng serye, e, merong napansin ang mga utility. ‘Yun ang susunod na kuwento!” pabitin pang sabi ng aming source.
Heto na. Hindi na basta mga tira-tira na pagkain ng aso kuno ang kinukuha ng veteran actress, mismong mga ulam na, kuha siya nang kuha mula sa catering ng production.
“Nakakaloka siya, di ba? Getlak siya nang getlak ng food, nag-uuwi talaga siya, palagi niyang ginagawa ‘yun kaya nakahalata na ang mga utility at ang mga namamahala ng catering.
“Kaya tuwing ganu’n ang ginagawa niya, e, nagko-chorus na nang mahina lang ang mga nasa paligid, may-I-sing talaga sila ng linya sa kantang Bituing Walang Ningning, balot kasi nang balot ng mga pagkain ang beteranang aktres.
“Siguro, para hindi na siya mamroblema pa sa food kapag umuuwi na siya. Siguro, dahil ugali na talaga niya ‘yun! Nakakaloka siya, ha? Ang dami-dami niyang datung, mataas ang talent fee niya per day, richie-richie ang lola n’yo!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.
Ubos!
Queenie Padilla niresbakan ang nag-akusang suicide bomber at mabaho ang kanyang Mister
Palibhasa’y malayuan nga lang ang pagkokomento sa social media at hindi naman harap-harapan kaya ang lalakas ng loob na magpakawala ng mga komentong negatibo ng mga taong walang magawa sa buhay patungkol sa kahit sinong personalidad na napagtitripan nila.
Kahit ano na lang, kahit walang basehan at imbento lang ang kuwento ay inilalabas ng mga taong ganu’n, pero sa personal ay hindi naman nila ‘yun kayang gawin.
Nakakaawa ang mga artistang binibiktima ng mga bashers. Wala silang kalaban-laban dahil hindi naman nila kilala kung sinu-sino ang mga umuupak sa kanila, kaya kahit paano ay gumaganti sila sa pagpatol, makabalanse man lang sila.
Gusto namin ang diretsong dila ng panganay ni Robin Padilla kay Liezl Sicangco na si Queenie. Nakatikim sa kanya ng pagkastigo ang mga balahurang bashers na namintas nang husto sa kanyang karelasyong Pakistani.
Sabihan ba namang suicide bomber at mabaho ang kanyang mister, sinong misis ang hindi mapupuno, kaya pinatulan ni Queenie ang mga namimintas sa kanyang asawang Pakistani.
At tama si Queenie, kahit sinong hindi marunong mag-alaga sa kanyang hygiene ay mangangamoy, hindi kailangang gawing basehan ang lahi ng taong tinutukoy. Ke Pilipino, Amerikano o Muslim ka pa, kapag hindi ka marunong maligo at mag-alaga ng iyong sarili at magkakaamoy ka, nasa may katawan nga naman ‘yun.
At siyento por siyento kaming sumasang-ayon sa opinyon ni Queenie na ang totoong nangangamoy at namamaho ay ang utak at bibig ng mga taong walang magawa sa buhay na palaging nag-iisip ng negatibo sa kanilang kapwa.
‘Yun ang umaalingasaw, ‘yun ang tunay na mabantot, hindi ang taong porke galing sa lahing nabuhay sa mainit na klima at mahilig sa maaanghang na pagkain ay maituturing nang nangangamoy.
Panalo si Queenie!