Bakit kaya ayaw ilantad, actress na sumisikat na may kapatid na undeclared!

MANILA, Philippines - Bakit kaya ayaw pang maging vocal ng inactive actress (IA) sa anak niya sa isang pulitiko?

Five years na raw ang baby girl ni IA at pulitiko na naispatan na naman sa birthday ng anak na young actress ni IA sa previous marriage niya.

Ayon sa nakakita sa bagets sa isang restaurant sa BGC the other night kung saan nga nagkaroon ng birthday celebration ang ate, bombayin ang bata na anak nila ni Mr. Pulitiko. Eh nagkataong naglalaro sa labas ng restaurant ang bata kasama ang yaya na may pagka-daldalera raw kaya nakatsika ng ibang mga kumakain sa nasabing restaurant. Pati pangalan ni bagets nakuha ng katsika ni yaya.

Madalas nang nakakasama sa mga photo ni IA ang undeclared daughter pero wala itong sinasabi na deretsahan na ito nga ang anak niya sa isang pulitiko na may ilang kinakaharap daw na kaso base sa mga naglalabasang balita.

Sagutan nina G at Mocha, nalaos na!

Wag patulan.

‘Yan ang paalala ng isang nakabasa sa sagutan ng isa pang inactive actress/host na si G Tongi na nakabase na sa Amerika at ng dating sexy singer/dancer at MTRCB Board Member na si Mocha.

Ang pralala ni Mocha kasi ang trolls ni VP Leni Robredo ang nanggulo sa kanya sa social media. Pinagtanggol ni G si VP Leni.

Doon na nag-umpisa ang baliktaktakan nila sa social media.

Pero ‘yun nga, paalala ng isang nakabasa kahapon, laos na ang balitaktakan nila. Kaya ‘wag nang patulan. Binibigyan lang daw sila ng hope na magparamdam pa more para mapansing pag-usapan. #NakakasawaNa #PinatulanPaRin

Ptv 4 Tuloy Ang Pagpapalakas

Wala na ngang urungan ang pagbuhay sa PTV 4. Kahapon ay nagkaroon na ng inauguration PTV-4 Cordillera Hub na pinangunahan ni President Digong. At tiyak masusundan pa ito sa ibang lugar.

Nauna nang nabanggit ni Sec. Martin Andanar ang nasabing pagpapalakas sa government network na matagal-tagal na ring parang nakalimutan ng televiewers.

Concert ni Ambet tagumpay!

Tagumpay ang kick-off event para sa mga nakalinyang projects sa 2017 ni DZMM Chismax Anchor Ambet Nabus, na Ambetable@50 sa Teatrino Greenhills noong Biyernes.

Isang masayang kantahan, sayawan at tawanan ang naganap sa pangu­nguna nina Michael Pangilinan, Meg Imperial, Marlo Mortel at KZ Tandingan, kasama sina Kiel Alo, Ezekiel at Shem Pilapil at marami pang iba.

Ang grupong Quatro Kantas na kinabibilangan ni Ambet kasama sina dating Senador Joey Lina, Bayani Fernando at Dr. Carl Balita ay nagpakitang-gilas din sa pagkanta.

Gumulong din ang karamihan nanonood sa ginawa ni Boobsie of Wonderland habang pinainit ng Wowowin dancers ang gabi.

Ang mga nakalinya pang projects ng anchor at showbiz columnist at mga kaibigan sa mga susunod na buwan ay sports fests, basketball and volleyball clinics, a day with Mother Earth, health is wealth day at mga kaugnay na advocacy sa edukasyon at promosyon ng turismo. 

Show comments