Piolo walang tf sa bagong role!

Si Piolo Pascual ang pinakabagong ambassador ng Optical Media Board. Isang mala­king karangalan daw para sa aktor na siya ay pinagkatiwalaan ng O.M.B. para maging kinatawan nito “It’s a privilege. It’s an opportunity to exercise your celebrity (status) and use it for the right reasons. Ipinagpapasalamat ko kasi it’s an advocacy na walang bayad. You belong to the cinema, you belong to the entertainment industry. So best foot forward. And at the same time, you can use your influence to spread the cause di ba? So mala­king karangalan sa ‘kin ‘yun bilang artista,” nakangiting pahayag ni Piolo.

Ang O.M.B. ay ang organisasyon na siyang tumutulong puksain ang pamimirata sa mga produkto ng ating local entertainment. “My role as an ambassador is to create awareness. Of course I believe in what the agency stands for which is anti-piracy, be it for TV, music and cinema. So ‘yun lang ang pinaka-battle cry natin,” dagdag ng aktor.

Koreanong si Yohan Hwang gusto na ring umarte

Sikat na sikat ngayon ang kantang Ikaw ni Yohan Hwang na una nang pinasikat ni Yeng Constantino noon.

Theme song ito ng pinakabagong Korean drama series na Love in the Moonlight ng Kapamilya network. Masayang-masaya si Yohan nang siya ang mapiling gumawa ng Korean version ng nasabing kanta para sa drama series. “Super thankful kasi they chose me. I was super masaya but I was worried about what are we going to do about my album pero now I have plans and maraming goals,” bungad ni Yohan.

Maipagmamalaki rin ng I Love OPM grand winner ang nasabing Korean drama serye dahil talagang maganda ang istorya nito. “It will be a fresh or unique teleserye. I think sa Filipino. Kasi the concept is parang historical, very before, parang hundred years ago. So the views are parang hindi familiar sa ‘yo but the story and scenario is great. The story is very simple. It’s a story about love, also the language is already dubbed. So it will be easy for you guys to understand,” pagdedetalye ni Yohan.

Samantala, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto rin daw ipagpatuloy ng binata ang pag-arte sa harap ng kamera o ang pag-aartista. “I can act, I’m sure I can act. Minsan po (may offer) pero puro extra now. Pero I’m enjoying it. Hindi ako magaling magsalita ng Tagalog,” pagtatapat ni Yohan.

Ngayon ay nagwo-workshop ang singer upang mas mapabuti ang kanyang pagsasalita ng Tagalog. “Yes, Tagalog workshop, so I’m improving I guess,” pagtatapos niya.

 

 

 

Show comments