MANILA, Philippines - Kakaibang kwento ang handog ng pelikulang Friend Request na tiyak na relatable sa millennials.
Iikot ang kwento kay Laura na isang popular girl sa school na kanyang pinapasukan. At gaya ng normal na millennial, mahilig din magbabad sa Facebook si Laura kung saan niya ipino-post ang lahat ng kaganapan sa kanyang buhay.
Mayroon siyang 800 friends on Facebook na nakakakita ng kanyang activities pero nagbago ang lahat matapos niyang i-accept ang friend request ni Marina, ang kanyang classmate na hindi naman niya gaanong kilala.
Sa kwento ay biglang nagpakamatay si Marina at ang suicide video nito ay misteryosong nai-post sa Facebook account ni Laura.
Ang malala pa, hindi mabura-bura ni Laura ang video at hindi rin niya mahanap ang ‘deactivate account’ button ng kanyang Facebook para maiwasan ang pagkalat ng video.
Kailangan niya itong mabura bago pa mamatay ang lahat ng kanyang kaibigan na nauubos sa karumal-dumal na paraan.
Ibinahagi ng German director na si Simon Verhoeven kung paano nabuo ang idea niya sa said supernatural-psychological horror film.
“A distant acquaintance of mine had died. Weeks later, I noticed that his Facebook profile was still available online, unchanged. I shuddered at the idea that I might suddenly receive a message from him. Friend Request was born in that moment.”
Agad daw nila naisip ng kanyang kaibigang producer na si Quirin Berg na ang Friend Request ay ang pelikula na kakagatin ng buong mundo.
“On Facebook it’s so simple to gather hordes of ‘friends,’ because these hundreds of people are not real friends in so many ways…(This) particular film is about a so-called ‘bestfriend’ who is anything but that. This leads to catastrophe as, in a flash, the ‘friendship’transforms into the total opposite, to disappointment and rage,” paliwanag pa ng director.
Mapapanood na ang Friend Request simula ngayong araw.