Kabagu-bago pa lamang nag-aartista ni Jasmine Curtis Smith nang manalo siyang Best Supporting Actress sa indie film na Transit.
Ngayon ay isa na namang indie film ang nagbigay sa kanya ng Best Actress trophy. Role ng isang lesbyana naman ang ginagampanan niya sa pelikulang Baka Bukas.
Sa bilis ng pagkapanalo niya ng acting award, marami tuloy ang nagsasabi na nasasapawan na si Anne Curtis ng kanyang nakakabatang kapatid.
Marami rin ang nagsasabi na mas magaling na artista ang nakakabatang Curtis Smith. Pero, walang kumpetisyon ang maaring maglagay ng gap sa pagitan nina Anne at Jasmine. Kung humahamig man na ng acting award ang kanyang kapatid, tanggap ni Anne na bunga ito ng pagtitiwala ng mga producer kay Jasmine.
Nagpapasalamat na lamang siya na magagandang roles na dumarating sa kapatid niya at sa mahusay nitong performance. Hanga rin siya sa pagiging matapang nito sa pagtanggap ng mga mapangahas na mga role.
Samantala, dumating na si Jasmine mula sa dalawang buwang bakasyon sa Australia. Kasabay ng pagpu-promote niya ng kanyang indie film ay ang paghahanap din ng paraan kung paano siya makakatulong sa pagpaplano ng kasal ng kanyang kapatid. Bago pa sila magkausap ni Anne, marami na siyang suggestion para sa kasal nito.
She just hopes na magustuhan ng kanyang ate ang mga idea niya.
Nanalong endorser ng bny, malaki ang potential
Sabi ko, artistahin ang dalawang nanalong endorser ng BNY mula sa isang reality contest na itinaguyod nila. Marami ang nagtangka na maging endorser ng malaganap na brand ng jeans na ang lamang sa ibang brands ay ang magandang fitting na nakukuha ng mga nagsusuot ng BNY.
Si Markus Paterson ay pamilyar na sa ABS-CBN dahil matagal na siyang Kapamilya. Mula nang dumating siya ng bansa from UK na kung saan siya isinilang, lumaki at nag-aral ay talagang pinuntirya na niya ang showbiz.
Sa rami ng mga kabataang babae sa ABS-CBN ay kay Michelle Vito siya na-attract. Dream niyang nakasama ito sa isang project.
Eighteen years old si Markus nang unang sumabak sa Pinoy Boyband Superstar pero hindi siya nagwagi. Inalok siyang sumama sa #Hashtags pero tumanggi siya dahil ang passion niya ay pagkanta at hindi ang pagsasayaw.
Mabuti na lang at nang sumali siya sa pakontes ng BNY ay pinalad siya.
Hindi naman inisip ni Nicole Grimalt na hindi siya mananalo nang sumali siya sa pakontes para maging endorser ng BNY. Nakalaban niya nang mahigpit ang isang Kapuso artist. Isa sa apat na magkakapatid na puro babae ang 22 taong gulang na anak ng isang American Spanish dad at Filipino mom.
Sina Ian Veneracion at Joshua Garcia ang mga hinahangaan niyang artista.
Mula nang mapiling endorser ng BNY sina Markus at Nicole ay walang katapusang photo shoots at mall shows na ang si nuong nila.
Isang taon nila itong pagkakaabalahan dahil ganun katagal ang pinirmahan nilang kontrata.
Diego at Sofia hanggang trabaho muna
Wala pa namang seryosong relasyon sina Diego Loyzaga at Sofia Andres bukod sa friendship. Pero, involved na ang young actress sa problema ng kanyang friend, lalo na sa ginawa nitong pagbibilad ng mga kasalanan ng kanyang ama na si Cesar Montano. Wish lang ni Sofia na magkaayos na ang mag-ama lalo’t wala namang katotohanan ang ibinibintang nitong pagiging drug dependent ni Diego.
Bagaman at marami ang naniniwala na mayroon na silang something ni Diego, sey ni Sofia: “Maaga pa, trabaho muna”.
Warren Beatty at Steve Harvey magka-level na!
Hindi lamang pala si Steve Harvey ang nakagawa ng malaking pagkakamali nang i-announce niya ang pangalan ni Miss Colombia bilang Miss Universe 2015 gayung si Miss Philippines Pia Wurtzbach talaga ang nanalo.
Ganito rin ang naging pangyayari sa kakatapos na Academy Awards na Oscar. La La Land ang inihayag ni Warren Beatty na nanalo ng best picture.
Nakaakyat na ang producer at mga artista ng La La Land nang malaman ng lahat na mali ang tinawag na winner sa stage dahil ang nanalong Best Picture ay Moonlight.
Mismo ang mga nasa stage na bahagi ng La La Land ang tumawag sa mga tunay na nanalo.