^

PSN Showbiz

Erich nagtanggal ng stress sa sky diving

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Erich nagtanggal ng stress sa sky diving
Erich Gonzales

MANILA, Philippines - Nag-sky diving sa San Diego California si Erich Gonzales base sa kanyang Instagram post kahapon.

May kasamang guwapong obviously ay instructor si Erich na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang naging hiwalayan nila ni Daniel Matsunaga na dinaig pa ang teleserye sa drama.

Sinasabing maraming benefits sa katawan ang sky diving at kasama na rito ang kalimutan ang worries at mabisang pantanggal ng stress na siguradong kailangan niya ngayon.

Mukhang hindi agad babalik ng bansa ang Kapamilya aktres matapos silang mag-show ng ex sa naturang bansa.

Sarado ang comment section ng IG account nito kaya walang maka-react na followers.

Baes

Baes arangkada na!

Hindi nga makakaila ang pagsikat ng mga Baes ng Eat Bulaga. Bukod sa guest appearances nila sa GMA-7 noontime show, hataw din sa ratings ang kanilang teen-oriented show na Trops. Pumapalo rin sila sa social media; collectively, mahigit isang mil­yon na ang kanilang followers sa Instagram.

Dati, kilala lamang ang mga Baes — Kenneth Medrano, Miggy Tolentino, Joel Palencia, Tommy Peñaflor, Jon Timmons, and Kim Last — bilang mga back-up dancers sa EB. Ngayon, kilala na sila bilang sikat sa boy group at bilang mga indibidwal na artists. 

Pero hindi lamang pagiging sikat ang gustong marating ng mga Baes. Gusto rin nila maging bagong role models ng kabataan.

 “We owe it to those who supported us from the start to be the best that we can be,” sabi ni Kim.

“Ever since I could speak, I’ve known I wanted to be an actor. Masaya na ako. I achieved the point wherein I’m happy. Masaya ako rito,” pag-amin pa ni Kim.

Isang inspirasyon ang kwento ng pagpasok sa showbiz nina Kenneth at Miggy. 

Si Kenneth ang grand winner ng That’s My Bae contest ng Eat Bulaga noong 2015. At tulad ni Kim, pangarap din niyang maging artista noong bata siya. Pero dahil sa Cebu siya nakatira, hindi naging madali ang pagpasok sa showbiz para sa kanya. Sugal ang pagpunta sa Maynila para sa kanya upang matupad ang kanyang pangarap — at para matulungan ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang ina. “Lahat naman ito, ginagawa namin para sa pamilya namin,” sabi ni Kenneth.

Tulad naman ni Kenneth, simpleng teenager lang si Miggy na “patambay-tambay lang sa labas ng bahay kasama ng mga kaibigan ko” bago nagka-career. Madalas siyang mag-audition bago makasama sa That’s My Bae contest ng Eat Bulaga. Ngunit, hindi niya inakala na makakapasok siya ng showbiz.

Kahit noong parte na siya ng Eat Bulaga, inaamin niyang mababa ang kanyang self-confidence noong simula. 

“Meron time na gusto ko na mag-quit,” kwento ni Miggy.

“Ang hinihiling lang namin dati, magkaroon ng show na mag-extra kaming anim na magkakasama. Naisip ko, balik na lang ako sa bahay namin. Mag-stay na lang ako sa dati kong buhay, mag-quit na lang kami.”

Pero pinigilan siya ni Bae Tommy, na isang full-time call center agent bago pumasok ng showbiz. Sabi ni Tommy, lahat ng ginagawa nila ay hindi na lamang para sa sarili nila. 

Malayo na ang narating nila simula noon. “Before, when people would see us it public, they would say, ‘Uy, si Twerk It Like Miley,” kwento ni Kim.

“Now they would say, ‘Uy, si Trops’.”

“We’re all living the same dream,” dagdag ni Jon.

“It’s not competition. It just so happened that we have the same dreams and aspirations.”

Bilang mga role model ng kabataan, alam ng Baes na kailangan pa nilang magsumikap at magtrabaho para maachieve ang kanilang pangarap.  

“Di ba may mga group na until now kilala pa rin kahit wala na sila. People would say na magaling yung mga members ng Sex Bomb Dancers or Streetboys. We want to people to say someday na, ‘That’s My Bae yan, magaling yan’,” sabi ni Kenneth.

ERICH GONZALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with