Nangangailangan ng tulong pinansyal ang dating karibal noon sa mga amateur singing contest ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na si Eva Castillo matapos itong isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center early this month dahil sa pamamaga at pagdurugo ng kanyang nag-iisang kidney. In 2014, naoperahan ng tumor sa kidney ang mahusay na singer at siya’y tinulungan nina Regine, Allan K., Louie Ocampo at iba pang singers.
Kung matatandaan pa, si Eva ay ipinahanap noon ni Regine para maging guest sa kanyang TV special na pinamagatang Regine: Roots to Riches in 2009 na siya ring naging daan ng muli niyang pagbabalik sa kanyang pagkanta.
Last month ay sumali si Eva sa Tawag ng Tanghalan singing competition ng It’s Showtime at tatlong linggo siyang naging kampeon pero may iniinda na umano itong sakit.
Bukod sa panibagong operasyon, kailangan na rin sumailalim ng regular dialysis si Eva at may mga gamot pa siyang kailangang bilhin.
Kapag nalaman ito ng misis ni Ogie Alcasid, tiyak na hindi ito magpapabaya kay Eva.
Sa mga nais tumulong sa singer na si Eva Castillo, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa kanyang anak na si Reina Castillo-Largo sa teleponong 0977-4557423/0909-2950179 at sa kanyang mister na si Abet sa 0190-4405475.
Anak na lalaki nina Dennis at Marjorie hinihintay kung mag-aartista na rin
Maganda ang kumbinasyon ng dating mag-asawang Dennis Padilla at Marjorie Barretto dahil ang ganda ng dalawa nilang anak na babae na sina Julia at Claudia Barretto at napaka-guwapo naman ng bunso nilang si Leon Barretto.
Sa tatlong anak ng estranged couple, si Julia ang unang pumasok ng showbiz kasunod si Claudia na sa singing at recording muna nagsimula. Timing lamang siguro ang hihintay ni Leon bago rin sumali sa kanyang mga kapatid.
May hanging issue pa rin sa dating mag-asawa na may kinalaman sa pagda-drop ng real family name ni Dennis na Baldivia sa kanyang mga anak kay Marjorie.
Gino may ipinamana sa mga anak
Last Sunday, February 19 ay naging in-studio guest namin ni Shalala and Joseph Gonzales ang mag-amang Gino at Josh Padilla sa aming Inside Showbiz radio program sa DZRJ 810 AM Radio, 1:30 p.m. to 3:30 p.m., with live streaming on 8 TriMedia Network.
Of course, everybody remembers Gino sa kanyang signature hit song na Closer, You and I na kinompos ni Louie Ocampo at ginamit na theme song ng isang toothpaste commercial nung dekada otsenta.
Naging part din si Gino noon ng New Pepsi Generation artist na kinabilangan nina Keno, Raymond Lauchengco, JoAnne Lorenzano, at Timmy Cruz at ang biggest achievement marahil ni Gino ay nang maka-duet niya ang international music icon na si Tina Turner sa isang Pepsi commercial jingle in 1986.
Bukod sa singing, nakagawa rin si Gino ng ilang movies at kasama na rito ang Eto Na Naman Ako na pinagbidahan nina Robin Padilla at Vina Morales.
Si Gino ay may dalawang anak sa wife niyang si Chi-Chit Cannu-Javate, sina Josh at Bea. Although parehong kumakanta ang dalawang anak, si Josh ang sumunod sa yapak ng ama.