Affected si Carmi Martin ng bus accident sa Tanay, Rizal na nangyari noong Lunes at kumitil sa buhay ng 15 tao.
Ikinuwento ni Carmi na may taping siya sa Tanay noong Lunes kaya nakita pa niya ang pagdaan ng bus na sakay ang mga estudyante ng BestLink College of the Philippines.
Isinigaw pa ng mga estudyante ang pangalan ni Carmi nang makita nila ang aktres. Ilang minuto pa lang ang nakalilipas, bumangga ang bus sa isang poste.
“I saw these kids before they died.... I was in Tanay this morning shooting for Better Half and this blue bus passed by with kids sooo happy for their field trip. They even shouted Carmi... then minutes later... 14 of them were killed by an accident,” ang sabi ni Carmi.
Nilinaw ni Carmi na nabalitaan nito ang nangyari pero hindi niya aktuwal na nasaksihan ang aksidente.
Nag-dialogue din si Carmi na kasalanan ng driver dahil mabilis itong magmaneho.
Malungkot na malungkot si Carmi at awang-awa siya sa mga bata, pati na sa mga magulang ng mga biktima.
“All of them, I saw passed by yesterday are still in my thoughts. I prayed for their families who are still in shock.”
Hindi nag-iisa si Carmi dahil apektado rin ang maraming mga artista at ang mga magulang na nananawagan na ipagbawal na ang mga school field trip.
Alfred gigisahin din ang BesTLink
Nangako ng tulong si Congressman Alfred Vargas sa lahat ng mga biktima ng bus accident sa Tanay.
Magulang din si Alfred kaya alam nito ang nararamdaman ng mga ama at ina na nawalan ng anak sa malagim na trahedya.
Mga nakatira sa distrito ni Alfred ang karamihan sa mga biktima kaya ipinatawag niya kahapon ang pamilya ng mga nasawi at nasaktan.
Sinagot ni Alfred ang lahat ng gastos at binigyan niya ng libre na legal assistance ang pamilya ng mga biktima. Inimbitahan ni Alfred ang mga opisyal ng BestLink College of the Philippines pero hindi pa nakikipag-ugnayan sa kanya ang mga kinauukulan. Walang idea si Alfred kung bakit hindi pinaunlakan ng school officials ang imbitasyon niya. Puwedeng naghahanda pa ng mga isasagot ang school authorities dahil napakabigat ng problema na kinakaharap nila pero wala silang choice kundi ang sagutin ang maraming katanungan ng taumbayan.
Naglabas si Alfred ng official statement tungkol sa trahedya na inaasahan niya na hindi na mangyayari o mauulit.
“I will not allow that this accident becomes just part of statistics, this representation will be the focal point to ensure all the needs of the victims, and their families, are met, their legal rights protected and justice served fare and fast.
“We cannot just continue to mourn the deaths of young students in tragic accidents caused by irresponsible entities, we have to stop these senseless deaths once and for all.”