Nakatakdang ikasal sa taong ito ang engaged couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff pero hindi pa nila isini-share ang detalye hinggil dito. Hindi pa rin sigurado kung sa Pilipinas sila magpapakasal o sa ibang bansa tulad ng ginawa ng nakatatandang kapatid ni Erwan na si Solenn Heussaff at husband nitong si Nico Bolzico.
Last December, Anne and Erwan got engaged habang sila’y nasa New York, USA.
Although Pebrero pa lamang, tatlong celebrity weddings na ang nangyari – una ang kasal ng bunsong anak ni Vic Sotto na si Paulina Sotto sa husband nitong si Jed Llanes last January 1, 2017, na sinundan ng kasal nina Camille Prats at VJ Yambao last January 9 at sinundan din nina Luis Alandy at Joselle Fernandez last February 17 sa isang resort sa Tagaytay.
PTV4 nakikiuso na rin
Aminin man o hindi, ang government TV station na PTV4 ang least-watched TV network ng publiko. Kaya naman mahihirapan ang bagong pamunuan nito sa pangunguna ng general manager na si G. Dino Apolonio na gawin itong viable sa advertisers by infusing programs tulad ng mga Koreanovela na napapanood sa mga malalaking network tulad ng ABS-CBN at GMA-7.
Natutuwa si G. Apolonio sa tiwalang ipinagkaloob sa PTV-4 ng Philippine-Korean Entertainment, Inc. or PKEI na siyang nagpalabas din noon ng comedy-Koreanovela na Here Comes Mr. Oh.
Last Saturday, February 18 sa ganap na ika-9:15 ng gabi ay nag-pilot sa ere ang Korean medical drama na The Legendary Doctor na mapapanood tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa PTV4.
Nangako ang PKEI na magpapalabas pa sila sa PTV4 ng more interesting Tagalized Korean programs na tiyak umanong maiibigan ng Pinoy televiewers.
Sinabi pa ni G. Apolonio hindi magiging madali na makuha ng suporta mula as advertisers pero sisikapin nila na magagandang content ang government TV station at kasama na nga rito ang pagpapalabas ng mga Koreanovela na kinagigiliwan ng mga Pinoy.
Ipinangako rin ng pamunuan ng PKEI na balak umano nilang mag-produce ng mga local programs kung saan kukuha rin sila ng serbisyo ng local Filipino talents.
Anak ni Kring-Kring gusto na ring umarte
Kung dati-rati’y sa singing lamang gusto mag-concentrate ng panganay nina dating mayor ng Tacloban na si Alfred Romualdez at misis nitong si Mayor Cristina `Kring-Kring’ Gonzalez-Romualdez na si Sofia Gonzalez, ngayon ay gusto na rin nitong pasukin ang acting.
Since Inglesera si Sofia, pina-polish na rin nito ang pagsasalita ng Tagalog at sasailalim siya ng Tagalog tutoring ganoon din sa acting workshop.
Next month ay nakatakdang i-launch ang debut record ni Sofia, ang Pikit-Mata na kinompos ni Nikka del Rosario. Nakatakda ring i-shoot ang first music video ni Sofia.
Ang singing talent ni Sofia ay minana niya sa inang si Mayor Kring-Kring ng Tacloban City pero aminado naman ang ina na mas magaling ang boses ng kanyang panganay kesa sa kanya.
Very supportive ang mag-asawang Alfred at Kring-Kring Romualdez sa pagpasok ng kanilang panganay na anak sa showbiz.