Jinkee Pacquiao nabiktima ng ‘pagpatay’ sa internet
MANILA, Philippines - Nabiktima ng fake news si Jinkee Pacquiao nung isang gabi.
Kumalat sa social media na umano’y napatay si Jinkee matapos nakawan.
Siyempre may ilang naniwala agad-agad lalo na ‘yung mga nakikitingin lang sa social media at hindi naman nagbabasa.
Mabuti na lang at hindi agad-agad pinatos ng mga legit na website.
Buti na rin lang at sunud-sunod ang post ni Mrs. Manny Pacquiao sa kanyang Instagram account. At ang isa nga rito ay “Proof of life. I know the Lord is always with me. I will not be shaken, for he is right beside me. Psalm 16:8”
Isa pang post niya ay photo nilang buong pamilya: “We have nothing to fear if we stay close to the Rock of our salvation. Christ is the enduring stone upon which the Father has built our salvation and the only foundation for meaningful life. 1 Corinthians 3:11 NLT [11] For no one can lay any foundation other than the one we already have-Jesus Christ.
“It is only as our lives are built upon His strength that we will be able to endure the harshness of life in a fallen world. blessed sunday everyone!”
Hindi ito ang unang pagkakataon na ‘pinatay’ si Jinkee sa Internet.
Kris sa Channel 13 na lang may pag-asa, PTV4 tumanggi na rin!
Maging ang PTV4 ay walang plano na i-absorb si Kris Aquino.
Katuwiran ng kanilang bagong general manager na si Mr. Dino Apolonio, hindi nila afford ang dating Queen of all Media.
Ganito rin ang katuwiran ng TV5, hindi nila afford si Kris unless mag-discount ito ng talent fee bilang wala siyang TV career sa kasalukuyan maliban sa kanyang mga umeereng endorsement.
Basta ang isang sigurado, makikipagbakbakan na ang PTV4 sa malalaking network.
At ang malaking advantage nila, nakaka-exclusive sila ng mga balita tungkol kay Pres. Duterte.
Saang channel nga kaya magkakaroon ng comeback ang TV career ng dating presidential daughter? Sa Channel 13 kaya na nabalitang nabili na ni Manong Chavit Singson?
- Latest