^

PSN Showbiz

Marian binuking na amoy rosas ang kanyang flower!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi na binigyan ni Dingdong Dantes ng bulaklak noong Valentine’s Day ang kanyang misis na si Marian Rivera dahil ang pagpaparehistro sa DTI ng Flora Vida ang Christmas gift niya sa asawa noong nakaraang Pasko.

“Ang sabi niya, ‘O mahal, wala akong regalo sa’yo na bulaklak ha kasi nga may flower shop ka na tapos bibigyan pa kita ng flowers.’

“Saka, ibinigay na niya ‘yung pinakamagandang bulaklak na na-receive ko. Ibinigay kasi niya sa aking Christmas gift, ‘yung DTI ng Flora Vida,” ang kuwento ni Marian sa renewal niya kahapon bilang celebrity endorser ng Biofitea.

“Amoy rosas eh. Humahalimuyak eh. Siyempre naman, the one and only,” ang pilya naman na sagot ni Marian kung nagustuhan ni Dingdong ang flower niya.

Yan Yan parang dalaga pa rin sa flat na tiyan!

Dati nang celebrity endorser si Marian ng Biofitea at ni-renew ng Diamond Laboratories, Inc. ang kanyang kontrata dahil effective siya na endorser.

Seksing-seksi si Marian sa contract signing nila ng Diamond Laboratories Inc. dahil flat na flat ang tiyan niya. Kung hindi natin alam na nanay na si Marian, iisipin mo talaga na dalaga pa siya.

Sinabi ni Marian na ang regular na pag-inom niya ng Biofitea ang sikreto ng kanyang seksi na pangangatawan kaya naengganyo na rin na uminom ng Biofitea ang nanay niya, mother-in-law at sister-in-law.

Na-inspire ang mga reporter na uminom ng Biofitea dahil sa magandang epekto nito sa katawan ni Marian.

‘Yan ang Tiyan’ ang bagong slogan ng Biofitea na talagang isinunod nila sa palayaw ni Marian na Yan Yan.

Alden at Maine hindi ipinararamdam na sikat sila

Natuwa ako sa laman ng loot bags na ipinamigay sa presscon ng Destined to be Yours ng GMA-7.

Marami na ang mga endorsement nina Alden Richards at Maine Mendoza kaya sangkatutak at sari-sari ang mga produkto na natanggap ng lahat ng mga dumalo sa presscon ng kanilang primetime teleserye na mapapanood sa Kapuso Network simula sa February 27.

Sure ako na magugustuhan ng televiewers ang bago at kakaibang kuwento ng Destined to be Yours na mula sa direksyon ni Irene Villamor na protégée ni Joyce Bernal. Sa trailer pa lang ng Destined to be Yours, kikiligin agad ang fans nina Alden at Maine na komportableng-kompor­table na sa isa’t isa mula nang sumikat ang loveteam nila sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Parehong naniniwala sina Alden at Maine na destined sila na magkatagpo or else, hindi magkakaroon ng AlDub loveteam. Co-stars nina Maine at Alden sa Destined to be Yours sina Janice de Belen, Boots Anson Rodrigo, Tommy Abuel, RJ Padilla, Juancho Trivino, Sheena Halili, Ina Feleo, at Dominic Roco.

Puring-puri sina Alden at Maine ng kanilang mga katrabaho sa Destined to be Yours dahil hindi nila ipinararamdam na mga sikat sila na artista. Very down to earth pa rin ang dalawa at marunong makisama, hindi lamang sa kanilang mga co-star kundi pati sa production staff.

TAKE IT TAKE IT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with