Nararamdaman na ngayon ng isang pamosong female personality ang eksaktong ibig sabihin ng fair weather friends. Mga kaibigang sa ginhawa lang at halakhakan mo makakasama pero pagdating ng indulto ay nangawawala na.
Nu’ng kasagsagan kasi ng career ng female personality ay napapaligiran siya ng mga kaibigan. Bakit nga naman hindi? Bukod sa sikat na siya na napakasarap maka-rubbing elbows ay meron pa siyang ekstensiyon ng kapangyarihan ng kanyang kadugo?
Sa kahit anong okasyon ay naaalala siya ng mga friends niya, naggagandahan ang mga ipinadadalang bulaklak sa kanya, mga branded stuff ang inireregalo sa kanya.
Kuwento ng aming source, “Napakadali niyang mag-invite ng friends nu’n sa bahay niya. Text-text lang! Kapag sinabi niyang magluluto siya ng mga yummy recipe niya, gora agad ang tropa niya sa house niya!
“Hala! Kuwentuhan sila nang kuwentuhan du’n, parang nagto-talk show si ____(ang sikat na female personality) sa kakukuwento niya sa mga visitors niya, ang saya-saya nila!
“At may surprise pa ‘yun kapag pauwi na ang mga bisita niya. Meron siyang binibiling kung anik-anik na pamigay sa mga friends niya! Kumain na sila nang bonggang-bongga, e, may pa-take home pa ang girl!” simulang kuwento ng aming impormante.
Pero ngayon ay iilan na lang ang natitirang kaibigan ng female personality, hirap na siyang mag-imbita ng mga friends sa bahay niya, parang lahat ay sobrang busy na para siya pagbigyan.
Kuwento uli ng aming source, “Ngayon niya nari-realize na ganu’n lang pala ‘yun! Kapag hindi na pala maganda ang takbo ng career niya at tapos na ang power na kahit paano, e, meron siya, mangawawala na rin ang mga dating palaging nakasiksik sa kanya.
“Mga fair weather friends lang pala sila, kasama lang sa masasayang araw, pero kapag wala na sa kanya ang fame at power, e, mahirap na silang makita! Alam na alam na niya ngayon kung sinu-sino lang talaga ang mga kaibigan niya through thick and thin,”pagtatapos ng aming source.
Ubos!
Daniel ginagamit si DOT Usec Kat de Castro?!
Para siguro makaiwas na lang siya sa mga pang-uurirat kung bakit nauwi sa wala ang relasyon nila ni Erich Gonzales ay nasabi na lang ni Daniel Matsunaga na regular pa rin silang nag-uusap at magkaibigan pa rin sila ng dalaga.
Pero sinoplak ng aktres ang Brapanese actor, idinenay nito ang kanyang sinabi, mula raw nang maghiwalay na sila ay wala pa silang komunikasyon hanggang ngayon.
Napahiya si Daniel, hindi niya akalaing magbibigay pala ng statement si Erich na kontra sa sinabi niya, kaya dobleng pagkapahiya ang inabot ng aktor.
Pera ang sinasabing dahilan ng kanilang break-up, kung saang aspeto nila pinag-awayan ang pera ay walang nakakaalam ng mga detalye, pero ‘yun ang lumulutang na dahilan ng kanilang paghihiwalay.
At may mga bulung-bulungan din ngayon na ang madalas nakikitang kasama ng Brapanese actor ay si Kat de Castro na may posisyon ngayon sa Department Of Tourism. May mga nagpapatotoo nu’n dahil nakita rin silang magkasama sa preliminary at mismong coronation night ng Miss Universe.
Natural, nilagyan ng kulay ng mga nakakita sa kanila ang sitwasyon. Mula kina Heart Evangelista at Erich, bigla siyang naging close kay Kat, teka lang naman muna!
Opinyon ng isang nakausap namin, “Kung walang nakakita sa kanila na magkasama nang magkasunod na araw, e, walang lalabas na kuwento, ‘di ba? E, galing pa naman sa hiwalayan si Daniel, pinagpipistahan pa ang break-up nila ni Erich, kaya natural lang na mag-iisip ng iba ang mga nakakita sa kanila!
“Naiko-compare tuloy si Kat sa mga ex ni Daniel! Puwede raw magtago sa likuran ni Kat sina Heart at Erich! Nagbago na raw ba ang taste ni Daniel, malusog na girl na ang gusto niya ngayon?” sabi ng aming kausap.
Libreng ticket lang naman siguro ang hininging pabor ni Daniel Matsunaga kay Kat de Castro. Pahirapan kasi ang ticket nu’ng nakaraang Miss U.
Bakit naman magkarelasyon agad? Hindi ba puwedeng friends lang muna sina Daniel Matsunaga at Kat de Castro?
Giit naman ng isang source, “Saka may karapatan siyang makipagkaibigan kahit kanino. Bakit, mahirap bang tanggapin na magkaibigan sila ngayon? Bakit kailangang bigyan ng ibang insinuation ang friendship nila?
“Kapit sa patalim? Sobrang OA naman kung mag-isip ang ibang tao d’yan!” nakairap pang komento ng aming impormante.