Erich pumiyok sa pera at third party sa hiwalayan nila ni Daniel!, MMFF 2016 may dalang malas sa local films?

PIK: Magkakasunod na malalaking proyekto ang inilunsad ng To Farm ni Dr. Milagros How na Chief Advocate nito para sa mga magsasaka. Bukod sa To Farm Film Festival na nasa pangalawang taon na, meron na ring Songwriting Competition kung saan ipinakilala na noong kamakalawa ng hapon sa Novotel ang sampung finalists na maglalaban sa Finals Night nito sa April 9 na gaganapin sa Samsung Hall ng SM Aura Premier.

Pagkatapos ipakilala ang sampung composers at ang nilikha nilang awitin, isi­nunod na rin ang anim na pelikulang kalahok sa 2nd To Farm na may temang Planting the Seeds of Change na mapapanood na sa July.

Ayon sa Festival Director na si direk Maryo J. delos Reyes, nakakatuwa raw ang napakagandang turnout noong nakaraang taon, kaya pursigido silang simulan na agad ang 2nd TOFARM Filmfest.

PAK: Ang daming nalulungkot na taga-movie industry sa ‘di magandang per­formance sa box-office ng local films. So far, medyo okay na ‘yung Mang Kepweng Returns ni Vhong Navarro, pero ang iba ay mahina na talaga.

Pagkatapos ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016, parang lalo pang humina ang pelikulang Pilipino kaya med­    yo kabado na raw ang ibang producers na may mga naka-schedule na pelikulang magsu-showing.

Ang latest na nakalap namin, napakahina rin daw ng Moonlight Over Baler nina Vin Abrenica, Ellen Adarna, at Elizabeth Oropesa na nag-showing na pala noong kamakalawa lang.

Totoo bang hindi pa raw umabot ng P100-K ang kinita nito sa first day of showing? Pero kahit nag-flop ito, type pa rin daw mag-celebrate ng direktor ng naturang pelikula dahil naka-Grade B naman ito sa Ci­ne­ma Evaluation Board (CEB).

BOOM: Ayaw idetalye ni Erich Gonzales ang tungkol sa break-up nila Daniel Matsunaga pero kinumpirma nitong tapos na ang relasyon nilang dalawa. “Its true po na we’re not together anymore. It’s over,” diretsong pahayag ng Kapamilya young actress.

Dagdag niyang pahayag, “I just wanna move on.

“Hindi po kami nag-uusap. It’s not true that we are talking. Hindi po kami magkaibigan, walang third party po.”

Ayaw din niyang sagutin ang isyung pera raw ang dahilan ng kanilang break-up.

“Ayoko na po magdetalye tungkol sa pera,” tipid na sagot ni Erich.

“I think I just have to accept na may mga bagay na hindi natin ma-control.

“’Yung mga nangyari po sa buhay natin, hindi natin kontrolado. So, life goes on,” sabi pa nito.

Show comments