Nakatakdang magtambal sa pelikula sina Kim Chiu at Matteo Guidicelli. Ang Ghost Bride ang kauna-unahang pelikula na pagtatambalan ng dalawa pagkatapos magkasama sa teleseryeng My Binondo Girl limang taon na ang nakalilipas.
Ayon kay Kim ay talagang maganda ang kuwento ng bagong pelikulang gagawin. “’Yung kwento umiikot about Chinese tradition ng ghost bride, na meron palang gano’n. Totoo talagang nangyayari pero kaunti lang ang nakakaalam. Since ang mga Filipino mahilig sa Chinese culture, isa ito sa mga bagay na dapat makita at malaman kung paano ito ginagawa ng mga Chinese,” pagbabahagi ni Kim.
Sobrang excited na rin ni Matteo para sa pagsisimula ng shooting ng nasabing pelikula sa susunod na buwan. Ibang-ibang karakter daw ang masasaksihan ng mga manonood sa binata rito. “I’m playing the role of Clinton. He’s the boyfriend of Mayen, the character of Kim. He also has a little of Chinese descent. It’s nice because my role is different. My role is going to be heavy here. There’s a twist in the middle of the story and I’m excited to do it because nabasa ko na ‘yung script and it’s a really long and intense scene,” pagdedetalye ni Matteo.
Si Chito Roño ang magdidirek ng pelikula kaya ngayon pa lamang ay kinakabahan na raw si Matteo. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na makakatrabaho ng aktor ang batikang direktor. “Sabi nila nakakatakot daw si direk Chito so I have yet to experience that,” giit ng aktor.
Samantala, pangatlong beses na ngayong makakatrabaho ni Kim si direk Chito kaya may payo ang aktres para kay Matteo. “Makinig lang siya at huwag siya mag-cellphone kasi bawal. Dapat memorized ‘yung lines. Metikuloso siya sa acting talaga,” pagtatapos ni Kim.
Donny tanggal ang pagiging mahiyain
Unti-unti na ring nakikilala ngayon ang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan na si Donny Pangilinan. Isa ang binata sa mga Video Jock o VJ ng MYX ngayon. Masayang-masaya raw si Donny sa mga ginagawa niya sa showbiz ngayon. “For some reason, it just found me. Supporters just started coming out from nowhere. I wasn’t really finding it or forcing stuff. I was just waiting patiently and like if it came, it came. And it actually arrived. People started messaging me a lot, projects started to come, and people started getting more inquiries,” nakangiting pahayag ni Donny.
Ang binata raw ang masasabing pinakamahiyain sa kanilang magkakapatid. “That’s true. Kasi my mom is an introvert actually and growing up, I’m very shy. As in wala po akong sinasabi masyado like I just keep it to myself. I just like processing information. Growing up in front of two public figures, because of that we became comfortable, me and my siblings, being in front of people in the industry,” paliwanag ni Donny.