^

PSN Showbiz

Dayanara hindi natiis si Aga

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Dayanara hindi natiis si Aga

Miss Universe 1993 Dayanara Torres

Open si Miss Universe 1993 Dayanara Torres na muling makatrabaho ang kanyang ex-boyfriend na si Aga Muhlach sa bagong pelikula. Ang dalawa ay unang nagtambal sa hit movie na Basta’t Makasama Kita noong 1995 kung saan nagsimula ang kanilang love affair. Tumagal din ng limang taon ang relasyon ng dalawa.

Nang bumalik nang Puerto Rico si Yari (pala­yaw ni Dayanara), pinasusunod niya roon si Aga pero hindi ito ginawa ng actor dahil sa kanyang mga commitment sa Pilipinas at `yun ang naging simula ng kanilang tampuhan na nauwi sa kanilang tuluyang paghihiwalay.

Ipinagpatuloy ni Yari ang kanyang career sa Puerto Rico at maging sa Amerika hanggang magkakilala at magpakasal nila ng sikat na Latin American singer-songwriter-producer na si Marc Anthony noong May 9, 2000 sa Las Vegas, Nevada.

Pero naghiwalay sila in early 2002 pero mu­ling nagkabalikan at sila’y nagkaroon ng renewal of vows sa isang engrandeng okasyon sa Puerto Rico noong December 2002.  Muling nagkahiwalay ang mag-asawa in October 2003.  In January 2004 ay nag-file ng divorce si Yari sa kanyang asawa which was granted in June 2004.

Ang dating mag-asawa ay may dalawang teenage sons na sina Cristian at Ryan.

Ang ex-husband ni Yari na si Marc Anthony ay muling nagpakasal kay Jennifer Lopez o J Lo pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.  Ang ex-boyfriend naman ni Yari na si Aga (Muhlach) ay napangasawa ang dati ring beauty queen (Bb. Pili­pinas-Universe 1994) na si Charlene Gonzales at meron na ring mga anak ang mag-asawa, ang teen twins na sina Andres at Atasha.

It was in May 28, 2001 nang ikasal sina Aga at Charlene.

Nang mag-desisyon si Yari na bumalik ng Puerto Rico para doon ipagpatuloy ang kanyang career, si Charlene ang sumalo sa hosting job ng Ezzy Dan­cing sa ABC-5 na ngayon ay TV5.  Kumbaga, talagang may comm on connection sina Aga, Charlene at Yari.

Ngayong magbabalik-showbiz sa Pilipinas si Yari, hindi nga malayong muling magkatrabaho ang dating magkasintahang sina Aga at Yari na hindi naman siguro dapat ika-insecure ng misis ngayon ni Aga na si Charlene.

Samantala, looking forward din si Yari na makatambal ang Kapamilya hunk na si Piolo Pascual at iba pang mga Kapamilya stars.

Isa pang anak nina Marjorie at Dennis, hindi na naayawan ang trabaho

Pang-matinee idol ang dating ng  isa sa mga anak ng mag-asawang Anthony Pangilinan at Maricel Laxa na si Donny Pangilinan (18) nang ito’y aming mapanood sa Tonight with Boy Abunda ng King of Talk na si Boy Abunda.

Si Donny ay isa sa mga DJ ng musical channel na Myx Philippines at naka-pag guest na rin sa ASAP.

Bukod kay Donny, pasok na rin sa showbiz ang nakababatang kapa­tid ni Julia Barretto na si Claudia Barretto, mga anak ng estranged couple na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.  Maging ang bunsong anak ng dating mag-asawa na si Leon ay artistahin din.

Reunion ng hosts ng ASAP naudlot

Dapat ay may reunion sa ASAP today ang original hosts ng long-running musical/variety show na sina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ariel Rivera at Dayanara Torres, pero hindi ito mabubuo dahil walang boses si Pops at meron itong previous commitment at si Ariel naman ay may ongoing TV series ngayon sa karibal na istasyon ng ABS-CBN, ang GMA.  Ganunpaman, nagpaunlak si Pops ng pagbati at pag-welcome kay Danayara.  Ang hindi lamang sigurado ay kung pinayagan si Ariel ng Kapuso network na kunan ng VTR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with