Kahit hindi na Miss Universe si Pia Wurtzbach, madalas pa rin siyang wala sa Pilipinas dahil magkakaroon ito ng international modeling career. Pumirma siya ng kontata sa img Models na isang international model management firm. Si Pia mismo ang nag-announce nito nang ma-interview ni Steve Harvey.
Ang img din ang agency ng mga sikat na models gaya nina Kate Moss, Amber Valetta, ang magkapatid na Gigi at Bella Hadid, Giselle Bundchen at iba pa. Nakasulat na ang img ang biggest talent management company in the world.
Samantala, ang ganda ng message ni Miss Universe 2015 second runner-up Olivia Jordan kay Pia. “I don’t know how I got so lucky to have our lives intersect how they did but having you as a roommate, sister-queen, role model and friend was the greatest blessing of my Miss USA experience. Thank you for always being authentically and unapologetically you. Thank you for showing me what it meant to work hard and never give up on your dreams. Thank you for being a friend in one of the most rewarding yet challenging jobs of my life. You will always be my #MissUniverse but I am so pleased that you crowned another #confidentlybeautifulwithaheart queen today, who I hope will continue your legacy of wearing the title with humility, strength and grace.”
Si Pia rin yata ang isa sa mga rason kung bakit gustong manatili ng matagal-tagal sa bansa ni Olivia. Sa interview nga ni Mario Dumaual ng ABS-CBN, nabanggit nitong pasukin niya ang showbiz either as a host or performer sa isang dance TV show.
Aljur pinatataba si Kylie
Malaki talaga ang galit ni Aljur Abrenica sa GMA Network kung totoong ayaw nitong magpa-interview sa home network niya dahil hindi pa tapos ang kontrata nito. Kaya pala ang fiancée niyang si Kylie Padilla lang ang na-interview at umere sa 24 Oras.
Anyway, mukhang pinatataba ni Aljur si Kylie dahil sa mga post nito ng photos ng fiancée na kumakain. May litrato pa si Aljur na siya mismo ang nagdala ng food para kay Kylie sa taping.
James mas nagkaka-career sa pagkanta
Hindi si Christian Bautista, kundi ang GMA Artist talent na si James Wright ang kumanta ng theme song ng My Love From The Star na My Destiny. First single release ng second album ni James na Just Wright ang theme song na originally in Korean at nilapatan na lang ng English words.
Masaya si James na siya ang napiling kumanta dahil makakatulong ito sa kanya. Alam niyang sikat na Korean drama ang My Love From The Star na ang Pinoy adaptation ay pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.
Kaya kahit hindi pumasa sa audition sa My Love From The Star, masaya na si James dahil parte pa rin siya ng rom-com series. Ibinalita rin nitong nag-audition siya sa Meant To Be, pero hindi rin napiling bilang isa sa leading men ni Barbie Forteza.
Eugene susubukan kay Edu
Ibinalita na ni Eugene Domingo ang nalalapit na pagbabalik ng Celebrity Bluff at magiging daily na. Ang narinig namin, hinahanapan na ng time slot ng GMA-7 ang nakakatawang game show.
Post ni Eugene: “I have no words. I am very thankful. #excited #gmanetwork & to our #audience #thnkyou #seeyousoon!”
Si Edu Manzano na ang makakasama ni Eugene at dahil magaling magpatawa si Edu, siguradong papatok sa viewers ang kanilang tandem.
Kasama pa rin si Boobay na hit na hit sa unang airing ng show. Tamang-tama dahil magaling na siya.
Nothing to worry ang viewers ng Dear Uge dahil hindi siya aalisin kahit umere na ang Celebrity Bluff. Ibig sabihin, dalawa na ang shows ni Eugene.