Gloria Diaz nagagamit si Maxine para pag-usapan!

Gloria Diaz

Hindi matutumbasan ng ilang pelikula o serye sa TV ang nakukuhang media mileage ng 1969 Miss Universe na si Gloria Diaz. Bigla kasing naging subject siya ng interviews dahil ang mga pinakakawalan niyang salita ay hindi pabor sa ating kandidata sa patimpalak. Hanggang sa kahuli-hulihang sandali ay pinangatawanan ng ex-Miss U na hindi mana­nalo si Maxine Medina, pero may kambyo na siya ngayon at may dahilan na sa kanyang mga pinagsasasabi. Host country daw kasi ang Pi­lipinas at walang entry ng host country ang nakakakuha ng titulo simula noon maliban sa bansang under ng United States of America (USA) na siyang may hawak ng pageant. Maaaring may katwiran siya, pero bakit hindi ganito ang pagtanggap ng iba sa mga pahayag niya? Feeling nila, kasama na ang sumulat nito, imbes na encouragement ay sinisira niya ang loob ng ating kandidata. Tsk. Tsk. Tsk.

JC tinalbugan ni Pepe kay Alessandra

Mas bida si Pepe Herrera kaysa kay JC Santos sa pelikulang Sakaling Hindi Makarating na inaasahang magpapanatili sa una sa kaisipan ng mga manonood at tagasubaybay ng lokal na pelikula habang nasa bakasyon ito kasabay ng pagpapagaling ng kanyang ina. Hindi rin nakasira sa istorya ang pag-ayaw ni Alessandra de Rossi na magkaroon ng kissing at love scenes kay JC.

Sana sa susunod ay mas malalaking roles ang makuha nina Pepe at JC para hindi masayang ang malaking oportunidad na nakuha nila sa mga seryeng FPJ’s Ang Probinsyano at Till I Met You.

Kris nakakaawa

I pity Kris Aquino na feel ko ay biglang binitawan ng mga nag-take over sa kanyang karera. Wala naman palang offer ang kumpanya ni G. Tony Tuviera para magka-show siya sa kanila o maski na sa GMA. Hindi raw hawak ng prodyu ng APT at TAPE, Inc. ang karera ng dating presidential sister. Digital shows lamang daw ang kanilang pinagkasunduan. Ganun?!

Dayanara ipapalit ni Aga kay Lea

Kung hindi man matuloy ang movie na balik-tambalan sana nina Aga Muhlach at Lea Salonga makukuntento at magiging happy ang fans ng hanggang sa ngayon ay napakaguwapo pa ring artista sa balak na pagtatambal sa kanila ng ex-Miss U na si Dayanara Torres.

Naging matagumpay ang unang pagpapareha ng dalawa na nauwi sa totoong relasyon gaano man ito kaikli. Makakaya naman siguro ng sked ng Puerto Rican beauty queen ang makapagsingit ng kahit isang movie. Pero, pumayag naman kaya si Aga o si Charlene?

Show comments