Dayanara rumampa sa Intramuros Aljur todo english at nagpapakalalim na naman

Dayanara

SEEN: Ang hindi maawat na pagtaba ni Ruru Madrid dahil may mga moment na nawawala ang leeg niya. Dapat maging conscious si Ruru sa kanyang katawan dahil may tendency siya na tumaba tulad ng tatay niya na aspiring model noong araw.

SCENE: Marami ang nayayabangan kay Aljur Abrenica sa paraan ng pagbatikos niya sa manager ng kanyang fianceé na si Kylie Padilla. Kasali si Aljur sa listahan ng mga celebrity na biglang naging English speaking at nagpapakalalim nang magkaroon ng pangalan pero nagta-tumbling ang mga grammar.

SEEN: Si Miss Universe 1993 Dayanara Torres sa San Agustin Church at Fort Santiago noong isang araw. Nagsimba si Dayanara sa San Agustin Church sa Intramuros at kumain siya sa isang restaurant ng sinigang na baboy, ang kanyang favorite Pinoy food.

SCENE: Opisyal na ang pagiging senior citizen ng Star Cinema producer na si Malou Santos na ipinagdiwang ang 60th birthday sa Novotel noong Biyernes.

SEEN: Tuwing umaga ang toka ni Robin Padilla sa pag-aalaga kay Isabella, ang panganay nila ni Mariel Rodriguez.

SCENE: Ang balita na hindi pa nakikipag-usap nang personal si Aljur Abrenica kay Robin Padilla tungkol sa mga plano niya para kay Kylie Padilla. #HonorThyFather.

Show comments