Sina Moymoy Palaboy (sumikat sa YouTube at Kapuso) at Luke Mejares (former vocalist ng South Boarder) ang karagdagang bagong Board Members ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Yup, magkakasama na sila ngayon ni Ms. Mocha Uson sa nasabing ahensiya na ang mandate ay ang mga sumusunod base sa kanilang website : 1. Regulate and classify motion pictures, television programs, and publicity materials 2. Promote an environment leading to authentic and responsible self-regulation in the film and television industry 3. Initiate plans and cooperate with the movie and television industries as sources of fueling the national economy 4. Promote and protect the family, the youth, the disabled, and other vulnerable sectors of society in the context of media and entertainment 5. Empower the Filipino family, particularly parents and the grassroots level, such that family members are able to evaluate and intelligently choose media and entertainment content 6. Promote a value-based media and entertainment culture
Meron pa raw mga ibang papasok na celebrity na tumulong din noon sa kampanya ni President Digong.
Malamang daw na walang maiwan sa mga datihang board member ng naturang ahensiya ng pamahalaan.
Samantala, wala pang formal announcement sa appointment ni Ms. Rachel Arenas bilang bagong chairperson ng MTRCB. Pero lumabas na raw ang appointment paper at may turnover na from MTRCB Chair Toto Villareal. Alam na rin sa buong showbiz na si Ms. Rachel na ang kapalit ni Atty. Toto.
MOA no fly/sail zone bukas
Nasa bansa na ang American TV host na si Steve Harvey na sasalang uling host ng Miss Universe.
Nagkalat kahapon sa social media ang litrato niya kasama si former Ilocos Sur Governor Chavit Singson na sumalubong sa NAIA.
Wala umanong ibinigay na statement ang TV host na nagkamali noong nakaraang Miss Universe sa pagtawag ng totoong nanalo na agad naman niyang ikinorek.
Maging ang performer ng Miss Universe bukas, Monday, na si Flo Rida ay nasa bansa na at dumating na rin kahapon. Nag-concert na noong 2010 si Flo Rida sa bansa.
At I’m sure hindi na matutulog ngayong gabi ang Miss Universe beauties dahil ang call time pala nila ay as early as 3:00 a.m. ng Monday.
Kaya naman ang mga pulis, mas maagang maghahanda. Yup, lahat daw ng area ay secured na at no fly and sail zone ang area sa malapit sa MOA Arena.
Almost 1,500 din ang magbabantay na mga pulis sa lugar para masiguro ang safety ng lahat ng mga kandidata at buong entourage ng Miss U at maging ng mga manonood.