MANILA, Philippines - Mga abandonadong kabataan sa Meritxell Home Foundation ang nabigyan ng kasiyahan para sa kaarawan ng dakilang ina ni Ricky Reyes na kilala bilang si Mama Ada. May kantahan, palaro, masarap na pagkain at mga regalo ang handog sa mga bata.
Samantala, sabik na ba kayong malaman kung sino ang susunod na Ms. Universe pagkatapos ni Pia Wurtzbach?
Alamin ang saloobin ng mga mamayan ukol sa prestihiyosong patimpalak ng kagandahan na ito na gaganapin mismo sa ating bansa.
Pinakabagong high-end gadgets naglabasan na sa ating bansa, alamin kung anu-ano ang mga ito.
At pinakabagong hairstyle para sa mga babaeng mahahaba ang buhok ang ipapakita ni Mother Ricky. Lalagyan ng excitement at buhay ang tuwid na mga buhok ng ating mga kapuso sa pamamagitan ng The Twist kung saan ang dulong bahagi ng buhok ay kukulutin.
Nariyan pa rin ang Regold ng Gandang Ricky Reyes Salons para sa mga kinky na buhok, para sa mga maninipis na buhok naman ay ang mga natural wigs ni Mother Ricky ang magpapabalik ng kompiyansa sa sarili.
Panoorin ang The World of Gandang Ricky Reyes sa Sabado (January 21) 9-10am sa GMA News TV.