‘Di kilala ng mga Pinoy, Flo Rida magpi-perform sa Miss U!

In-announce sa Instagram (IG) account ng Miss Universe at Powerhouse Philippines ang pagdating ng American singer-songwriter na si Flo Rida para mag-perform sa 65th Miss Universe Grand Coronation sa January 30.

Disappointed ang mga umasang si Bruno Mars o si Ricky Martin na mga pangalang lumutang na performers daw sa grand coronation night. Kilala ng Pinoy si Flo Rida dahil minsan na itong nag-concert sa Smart Araneta Coliseum.

Sorry sa fans ni Flo Rida, pero ang alam lang naming song nito ay Low na sumikat sa bansa. Nag-Google kami at nalamang may bagong album siyang released at baka sa bagong album kukunin ang songs na kakantahin sa Jan. 30.

Sunshine nagsalita sa isyung nasuhulan ng in-laws!

Lutang ang husay sa pag-arte ni Sunshine Dizon sa Ika-6 Na Utos ng GMA-7 bilang si Emma na niloko ng asawa. Inamin ng aktres na ang nangyari sa married life niya ang isa sa pinaghuhugutan niya ng emosyon. Hindi na niya kailangang maghanap pa sa iba dahil ang sarili niya ay sapat na.

Idagdag pa raw ang mahusay na direction ni Laurice Guillen.

Samantala, nilinaw ni Sunshine na hindi settlement sa pag-urong niya ng kaso sa asawang si Timothy Tan ang townhouse na tinitirahan nila ng dalawa niyang anak ngayon. Masakit sa kanya ang nababasang nabayaran siya kaya inurong ang demanda sa asawa.

“Walang settlement na nangyari. I wish meron. I did not get anything from Tim, ni singkong duling wala. Hindi rin sa akin nakapangalan ang townhouse na tinitirahan namin ng mga anak ko. Sa father-in-law ko pa rin nakapangalan ‘yun at nakikitira lang kami ng mga anak ko. Zero level ako. ‘Yung bahay sa Guagua, sa family ni Tim ‘yun, hindi sa amin at nakitira rin lang kami. Ang naging usapan lang, hindi pakikialaman ni Tim ang mga naipundar ko,” sabi ni Sunshine.

Pasalamat si Sunshine na lagi siyang may show sa GMA-7 na nakakatulong sa gastusin nila ng mga anak. Ang hindi namin naitanong ay kung may sustento sa kanilang ama ang mga anak.

Christian Bables, apat na agad ang nakapilang pelikula!

Apat na pelikula ang gagawin ni Christian Bables sa pinirmahan niyang kontrata sa Regal Films. Pinili niya ang Regal Films dahil si Roselle Monteverde at si Mother Lily ang unang nagbigay sa kanya ng opportunity na matupad ang pangarap na makagawa ng pelikula. Pinasasalamatan din niya sina direk Jun Lana at Perci Intalan na pumili sa kanya para masama sa cast ng I Love You To Death bago gawin ang Die Beautiful kung saan siya gumanap na best friend ni Paolo Ballesteros.

Masaya at excited si Christian na Regal baby na siya at sabi naman nina Mother Lily at Roselle, magaling na artista ito at tutulungan nilang i-build up.  

Sa February 10, ang scheduled first day shooting ng movie ni Christian sa Regal Films at sa production ni Chito Roño na siya ring magdidirek ng movie na wala pang final title. Gaganap na parents ni Christian sina Daria Ramirez at Nanding Josef at love interest niya si Mara Lopez. Mahuhusay na aktor ang tatlo at excited si Christian to work with them.

Alfred nagpigil muna sa kanin at tsokolate 

Excited at may halong kaba ang Encantadiks sa post ni direk Mark Reyes na “Darkness Is Coming” sa Encantadia at may photo ni Kate Valdez bilang si Mira na naka- pang-Hathor ang hitsura at tingin.

Tanong ng fans ng fantaserye kung aanib daw ba sa mga Hathor si Mira?

Samantala, nag-taping na si Cong. Alfred Vargas sa Encantadia at next week na yata lalabas ang karakter niyang si Amarro, ama ni A­quil (Rocco Nacino). Hindi pa lang malinaw kung kakampi siya ng mga Sang’gre o kaaway.

Unang ginampanan ni Alfred si Amarro sa Etheria, kaya hindi bago sa kanya ang role at karakter.

Medyo lumaki si Alfred, kaya nag-diet siya at nag-gym bago nag-taping. No rice and no chocolates muna siya at nag-gym para bumagay sa mga kasama sa show. Ang sarap daw ng feeling maging bahagi uli ng Encantadia.

Show comments