Kailangang Operahan Beteranong actor naaksidente raw sa taping!

MANILA, Philippines - Ay grabe naaksidente pala ang beteranong actor sa taping ng primetime series niya sa isang network.

Masama raw ang pagkakadulas nito kaya kailangang operahan.

Eh may edad na si actor though malakas pa ang pangangatawan at walang iniindang sakit base na rin sa mga kuwento niya sa mga pre­vious interview.

Kailangan lang daw talagang operahan ang beterano at award winning actor dahil sa nadislocate na bones, na santambak ang iniinom na gamot at maingat na maingat pa naman sa katawan.

Importante ang ginagampanan niyang role sa nasabing primetime series kaya pahulaan pa ngayon kung paano sosolusyonan ng production ang kanyang absence.

Jerene Tan

Jerene Tan nabaitan kay Matteo

Sunud-sunod ang pagpapakilala ng bagong tatag na Jams Artist Production ng kanilang mga alaga.

Ang Jams Artist ay isang bagong tatag na ta­lent, casting agency, na nagha-handle ng mga mga potential na maka-penetrate sa showbiz.

At isa sa mga pinu-push nila ay ang 20-year-old na si Jerene Tan.

Palaban sa kantahan at sayawan si Jerene na may special participation sa pelikulang Across the Crescent Moon starring Matteo Guidicelli.

Professional dancer si Jerene nung kanyang kabataan  kung saan lumalaban sa mga international competition ang kanilang grupo.

Bukod doon, high school pa lang siya, nang maging chairperson siya ng Sangguniang Kabataan.

Pero talagang noon pa, gusto na niyang mag-showbiz.

Ginamit niyang stepping stone ang pagiging junior jock sa isang FM Radio.

Pero mas nagkaroon ng recall ang name niya sa social media dahil sa blog niyang #LoveJDairy kung saan niya ibinabahagi ang mga ginagawa niya every day.

Naging contestant din siya sa Miss Chinatown (Miss Photogenic and Best in Talent).

Ngayon handa na siya for the big time.

Importante ang role niya sa Across the Crescent Moon bilang sister ng female lead na si Alex Godinez. Kinidnap siya rito at mga kaibigan habang nasa beach sa Palawan. At dito papasok ang role ni Matteo na ililigtas sila.

Kumusta namang katrabaho si Matteo?

Ayon kay Jerene naging madali ang lahat sa kanya kahit na nga baguhan lang siya. Supportive umano ang actor at magaling.

Showing na sa January 25 ang Across the Crescent Moon, written and directed by Baby Nebrida.

Xia Vigor

Panggagaya ni Xia kay Taylor Swift kinabiliban worldwide

Viral na sa buong mundo ang panggagaya ng child star na si Xia Vigor sa pop star na si Taylor Swift sa top-rating show na Your Face Sounds Familiar Kids matapos maitampok ang performance niya sa iba’t ibang global news sites, kabilang na ang Huffington Post at online sites ng magazines na TIME at Billboard.

Pinabilib kasi ni Xia maging ang People magazine na tinawag na “spot-on” ang naturang impersonation. Itinuring naman itong “extraordinary” at “pitch-perfect” ng British tabloid na The Daily Mail.

Pinuri rin ng Teen Vogue ang husay ng paggalaw ni Xia sa stage at sinabing nagpakita ito “incredible display of showmanship” sa naturang performance.

Bumida rin si Xia sa sites gaya ng MTV, Mashable, Refinery 29, Cosmopolitan, JustJared, at napansin ng sikat na celebrity blogger na si Perez Hilton.

Nakapagtala na rin ng 2.8 milyong views ang video ni Xia at sa kasalukuyan ay ang numero unong trending video sa YouTube Philippines.

Patuloy na inaabangan ang cute transformations ng perfor­mers sa Your Face Sounds Familiar Kids kaya naman nananatili itong numero unong weekend program sa buong bansa.

Ayon sa datos ng Kantar Media, nakakuha ang huling episode nito noong Sabado (Enero 14) ng national TV rating na 34.2%. Panalo rin ito noong Linggo (Enero 15) sa national TV rating na 35.4%.

Ngayong weekend, (Enero 21 at 22), gagayahin naman ni Xia sa unang pagkakataon ang isang lalaking music icon – ang rock artist na si Axl Rose.                                      

Please follow me on Twitter and Instagram: @salveasis

Show comments