Last Sunday, January 15 ay naging guest namin sa Inside Showbiz radio program sa DZRJ ang veteran at award-winning director na si Gil Portes kasama ang TV5’s Artista Academy female grand winner na si Sophie Albert. Si Direk Gil ang director ng bagong offering ng T-Rex Entertainment na Moonlight Over Baler na ang kuwento ay inspired mula sa tiyahin at itinuturing na second mother ni Direk Gil at si Sophie ay isa sa dalawang leading lady ni Vin Abrenica sa naturang pelikula.
It is a public knowledge na naging mag-sweetheart sina Vin at Sophie matapos silang lumabas ng Artista Academy at ito’y tumagal ng halos tatlong taon pero last year, nagdesisyon ang dalawa na wakasan na ang kanilang relasyon which was a mutual decision.
Ayon kay Sophie, naghiwalay sila ni Vin na magkaibigan kaya wala silang ilangan nang magtambal sa Moonlight Over Baler.
Naniniwala ba si Sophie sa second chance at posible pa silang magkabalikan ni Vin? “Oo naman. Sa lahat ng bagay including career,” aniya.
Sa ngayon, parehong sa kanilang respective career ang focus ng dalawa. “I’m happy sa gumagandang takbo ng career ngayon ni Vin,” patuloy ni Sophie na pamangkin sa pinsan ng Queen of All Media na si Kris Aquino.
Given the chance, gusto rin ni Sophie na makatrabaho ang kanyang tiyahing si Kris.
Vin may namana kay Aljur
Ikinuwento ni Direk Gil na si Aljur Abrenica ang first choice to play the dual lead character ng Moonlight Over Baler pero dahil sa schedule ay hindi nila magawa-gawa ang pelikula kaya nagdesisyon si Direk Gil at ang producer na magpa-audition ng iba. Nagkataon noon na kasama ni Aljur ang kanyang nakababatang kapatid na si Vin na nagpaiwan lamang sa sasakyan pero pinilit ni Direk Gil na mag-audition. At matapos itong mag-reading ng script, nagdesisyon ang producer na si Rex, si Direk Gil at maging ang writer na si Eric Ramos na kay Vin na ipagkatiwala ang role. “Hindi kami nagkamali sa aming choice,” deklara ni Direk Gil. “Vin is a good actor!” diin pa niya.
Sina Vin at Sophie ay pareho nang may bagong manager ngayon. Si Vin ay nasa pangangalaga ng talent manager na si Noel Ferrer habang si Sophie naman ay under the wing ni Manny Valera at pareho na rin silang kumalas sa TV5. Hindi rin ikinakaila ng dalawa na hanggang ngayon after more than four years ay hindi pa rin nila nakukuha ang kanilang premyo sa reality talent search. Just the same, nagpapasalamat pa rin sila sa Artista Academy na naging daan nila para pasukin ang showbiz.
Cory Quirino binitawan na ang Miss World Philippines at Mr. World Philippines!
Marami ang nabigla at nalungkot nang bitawan ni Cory Quirino ang pagiging license holder ng Miss World Philippines na anim na taon niyang matagumpay na hinawakan from 2011.
It was during the time of Cory nang masungkit sa kauna-unahang pagkakataon ang Miss World title and crown sa pamamagitan ni Megan Young in 2013. Bago si Megan ay naka-2nd place ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss World na si Gwendoline Ruais noong 2011, unang taon na hinawakan ni Cory ang Miss World Philippines.
Ang Miss World Philippines at Mr. World Philippines license ay napunta sa prominent talent manager na si Arnold Vegafria.
Will ALV duplicate Cory’s passion and dedication sa pagpapatakbo ng Miss World Philippines at Mr. World Philippines?