Hindi pa opisyal na magkarelasyon sina Liza Soberano at Enrique Gil. Ayon sa aktres ay patuloy pa rin ang ginagawang panliligaw ng binata sa kanya. “I always say that Quen is really special to me. He’s one of the reasons why I’m where I am now and he never fails to amaze me and surprise me in his own ways,” bungad ni Liza.
Masaya ang dalaga sa kung ano man ang mayroon sa kanila ngayon ng aktor kaya posibleng maging magkasintahan talaga sa mga darating na buwan o taon. “Yeah! But when the right time comes, yes. Maghintay siya,” giit ni Liza.
Noong January 4 ay nagdiwang ng kanyang ika-19 na kaarawan ang dalaga at isang Chanel bag ang iniregalo ni Enrique. Napaiyak daw ang aktres sa sorpresang ito ng binata dahil matagal na niyang gustong magkaroon ng nasabing mamahaling bag. “I cried, naiiyak ako kasi hindi din ako sanay na nireregaluhan ako ng gano’n. Na-touch po talaga ako. Kasi mahirap talaga siya hanapin. I haven’t looked for it kasi I know the fact na wala ang gano’ng style. Then he gave it before I left for my birthday papuntang Japan. Kasi nga alam niya hindi siya makakasama so he wanted me to use if for my birthday,” nakangiting kwento ng dalaga.
Andrea gusto nang maglabas ng isa pang libro
Noong isang taon ay nakapagsulat at nakapaglabas si Andrea Brillantes ng sarili niyang libro. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw muling makagawa ng dalagita ng pangalawang libro ngayong taon. “Gusto ko sana kasi marami pa rin akong ibang fans na hindi pa nakuha talaga ‘yung libro and marami ring nanghihingi ng part two. So sana ngayong 2017, baka magkaroon ng part two. Hopefully,” nakangiting pahayag ni Andrea.
Journal type daw ang balak gawin ng aktres para sa pangalawa niyang libro. “May mga naisip na rin ako na gusto kong idagdag like ‘yung parang pagiging slumbook niya. Kasi ‘yon talaga ang gusto ko. ‘Yung mayroon mga sasagutan mo, ‘yung may mga activities. Gusto ko talaga ‘yung may mga activities and gusto ko rin kasi ‘yung parang Wreck This Journal, parang gano’n kasi kinokolekta ko ‘yun eh. Dahil dito sa #Goals (unang libro ng Andrea), nai-share ko ‘yung story ko. Siguro sa part 2, ‘yung story naman nila ‘yung i-share nila,” pagbabahagi ni Andrea.
Samantala, excited na rin ang aktres para sa kanyang pagbabalik sa paggawa ng teleserye. Kabilang si Andrea sa cast ng Ikaw Lang Ang Iibigin na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson. “Super saya ko kasi magwo-work na ulit ako. Kasi medyo naging mahaba-haba ‘yung pahinga ko. So it’s good to be back,” pagtatapos ni Andrea.