Mister ni Solenn papasang komedyante, Gretchen may galit pa rin sa ina?
SEEN: Ang bonding moment kahapon ni Amanda Page at ng kanyang anak na si Mason sa Shangri-La Mall, Mandaluyong City. Nakilala pa rin si Amanda ng mga tao kahit matagal nang nag-quit sa showbiz ang dating sexy actress.
SCENE: Pumirma kahapon ng movie contract sa Viva Films si Phoebe Walker, ang Best Supporting Actress ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016. Si Phoebe ang kapalit ni Arci Muñoz na nag-ober da bakod sa ibang talent agency
SEEN: Si Therese Malvar ang gumaganap na Isla o tubig sa Ilawod. Si Therese ang maghahatid ng lagim sa kuwento ng horror movie ng Quantum Films.
SCENE: Kung ayaw ni Richard Faulkerson, Sr. na maakusahan na stage father, hindi siya dapat sumasawsaw sa mga isyu na kinasasangkutan ng kanyang anak na si Alden Richards.
SEEN: Biktima ng bashing si Rey Valera dahil sa fat shaming niya sa isang contestant ng Tawag ng Tanghalan na ipinagtanggol ni Vice Ganda. Once upon a time, si Vice ang sentro ng bashing dahil sa fat shaming niya sa respected broadcast journalist na si Jessica Soho.
SCENE: Dumarami ang fans ni Nico Bolzico dahil sa kanyang mga funny video at witty captions. Si Nico ang asawa ni Solenn Heussaff na puwedeng comedian dahil sa kanyang malakas na sense of humor.
SEEN: Ang 80th birthday celebration kagabi ni Inday Barretto sa Manila Hotel. Inabangan ng mga bisita ang pagdating ng kanyang anak na si Gretchen Barretto na matagal nang estranged ang relasyon sa nanay niya.
SCENE: Sa February 15 ang playdate ng I’m Drunk, I Love You, ang pelikula nina Paulo Avelino at Maja Salvador.