^

PSN Showbiz

Last viewing ng Die Beautiful ‘di natuloy!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nabigo ang plano na “last viewing” para sa Die Beautiful noong January 10 dahil extended ang showing sa selected cinemas nationwide ng award-winning movie ng award-winning actor na si Paolo Ballesteros.

Noong Martes nang gabi ang “last viewing” ng Die Beautiful sa Cinema 2 ng Greenbelt 1 na magkakasama na pinanood ng cast pero natanggap nila ang magandang balita na hindi pa mawawala sa mga sinehan ang kanilang pelikula.

Isa lang ang ibig sabihin ng extended showing ng Die Beautiful, marami pa rin ang nanonood ng pelikula ni Paolo na news na naman sa mga international entertainment website dahil sa talent niya sa make up transformation.

Inilabas ng Die Beautiful director na si Jun Lana ang ibang mga eksena ng Die Beautiful na hindi niya isinama sa final cut ng pelikula.

Nakakaaliw ang mga eksena pero nag-decide si Jun na i-edit dahil irrelevant na sa kuwento ng pelikula. Puwedeng isama ang mga natsugi na eksena kung maglalabas ang mga produ ng DVD copies ng Die Beautiful.

Brad Pitt tumanda ang hitsura, lulong daw sa alak!

Dismayado ang fans ni Brad Pitt nang umapir siya sa Golden Globe Awards dahil super tanda ng hitsura niya.

Mukhang aburido sa buhay si Brad na hindi nakapagtataka dahil affected much siya ng pakikipaghiwalay sa kanya ni Angelina Jolie.

May tsismis na lulong si Brad sa pag-inom ng alak na isa sa mga malakas makatanda ng face. Malay natin, baka lalong lumala ang pagiging tomador ni Brad dahil nag-babu sa kanya si Angelina.

Kung tumanda ang hitsura ni Brad, bagets na bagets naman si Isabelle Huppert, ang French actress na nanalo ng Best Actress sa Golden Globes dahil sa acting niya sa Elle.

Sixty three years old na si Isabelle pero beauty pa rin at hindi mapagkakamalan na senior citizen na siya.

Nakarating na si Isabelle sa Pilipinas at matagal na namalagi sa bansa natin dahil dito kinunan ang mga eksena ng Captive, ang pelikula na inspired ng kidnappings na nangyari sa Dos Palmas Resort noong 2001.

Si Brillante Mendoza ang direktor ng Captive at si Isabelle ang bida.

Nakatrabaho ni Isabelle sa Captive sina Coco Martin, Maria Isabel Lopez, Angel Aquino, Sid Lucero, Allan Paule at marami pang iba. Unang ipinalabas ang Captive sa 62nd Berlin International Film Festival noong February 2012.

Shocked ang mga Pinoy nang mapanood nila si Isabelle sa Golden Globe Awards noong Lunes dahil bagets na bagets nga ang face niya. Malayong-malayo sa Isabelle na napanood  nila sa Captive kaya asking sila kung may dapat ipagpasalamat sa doktor ang multi-awarded French actress.

Pacman aakyat uli ng ring pag-recess ng senado

Tuloy ang boxing career ni Senator Manny Pacquiao dahil may laban uli siya sa April 22 at itataon ito habang recess ang senado.

Ang Australian boxer na si Jeff Horn ang makakatunggali ni Papa Manny. Gusto ni Horn na idaos ang laban nila ni Papa Manny sa Australia pero may posibilidad na maganap sa Dubai o Abu Dhabi ang kanilang bakbakan.

Sure na sure na ang paghaharap nina Papa Manny at Horn sa boxing ring dahil kinumpirma ito ni Top Rank promoter Bob Arum.

DIE BEAUTIFUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with