Iya at Drew laging bitbit ang sanggol na anak!

Drew Arellano at Iya Villania

MANILA, Philippines – Kakaiba ang magsisimulang comedy game show ng GMA Network - People vs. The Star na mapanood starting sa January 15, Sunday.

Hindi pagalingan at pabilisan ang labanan, mga kababawan lang pero kailangan mong pag-isipan.

Magiging host ng programa ang mag-asawang Drew Arellano and Iya Villania.

Mga artista ang maglalaro na may pagkakataong manalo ng P200,000. Pero kailangan nila munang masagot ng tama ang walong tanong na may katapat na cash values. At kung mali ang sagot nila sa lahat ng mga katanungan mapupunta ang premyo sa televiewers sa pamamagitan ng pagsagot sa People Question of the Week sa text message.

Dahil katuwaan ang major concept ng show, hindi itinutu­ring na trabaho ni Iya ang taping nila dahil lagi niyang bitbit ang anak nila ni Drew na si Primo. Actually kahit sa presscon kahapon, kasama nilang mag-asawa ang baby na hindi pa nag-iisang taon.

“Actually, this is the first time I will be hosting this kind of show na makulit and entertaining. Natutuwa ako kasi I consider this my rest whenever I am not on my ‘mommy duties’ kay Primo kasi nakakatawa lang talaga rito. It’s as if I don’t work. Plus kasama ko pa asawa ko, so ‘yung fun talaga nandoon,” sabi ng TV host na parang hindi nanganak ang hitsura ng katawan.

Tulad ni Iya, kakaibang excitement din ang nararamdaman ni Drew sa nasabing programa.

“Excited ako kasi iba itong show na ito for us kasi more enjoyable and light environment. Hindi siya ‘yung acting like sa mga shows namin 10 years ago. Dito mas makikita nila kung sino kami inside our house, ganun lang talaga,” sabi ni Drew.

Ang barkadahan nina Alden Richards, Derrick Monasterio, and Ken Chan ang unang sasabak sa bakbakan.

Mapapanood ang People vs. The Star every Sunday at 5-6 p.m. beginning January 15 on GMA.

Get the latest updates about People vs. The Stars from the GMA Network website www.GMANetwork.com.

Moonlight Over Baler, hahabol sa Valentine

Ipapalabas na rin ang pelikulang Moonlight Over Baler ng T-Rex Entertainment.

Ang Moonlight Over Baler ay isang love story -  nagsimula during the war years in the ‘40s na natapos in the ‘80s at na­ging saksi sa pagbagsak noon ng Marcos regime - sa mga nalaglag sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Starring sa movie sina Elizabeth Oropesa, Ellen Adarna at ang loveteam nina Vin Abrenica and Sophie Albert. Kasama rin sa Moonlight Over Baler sina Daria Ramirez, Menggie Cubarrubias and Angie Ferro, written by Eric Ramos at idinirek ni Gil Portes.

Elizabeth Oropesa

Kinunan ang kabuuan ng pelikula sa historical town of Baler in Aurora Province, mag-uumpisa ang kuwento sa isang Japanese journalist (Abrenica) na bumisita sa Baler pagkatapos niyang mag-cover ng EDSA Revolution. By strange coincidence, kamukhang-kamukha siya ng great love ng isang retiradong teacher (Oropesa) na pinatay noong panahon ng giyera (isang sundalo na si Vin din ang nag-portray). Ang TV5 actress na si Sophie naman ang gumanap bilang batang si Elizabeth Oropesa.

Vin Abrenica

Na-in love ang batang-Hapon na journalist sa isang magandang taga-Baler (Ellen) na pinaboran ng retired teacher. Pero somewhere along the way, nagkaroon ng kaguluhan nang ang isa pang manliligaw ni Ellen ay bugbugin si Vin na naging daan para iwan niya ang probinsiya. Sinuko niya ang pagmamahal sa magandang babaeng taga-roon na tinutulan ng retiradong guro. Ang nasabing pangyayari ang naging daan para balikan niya (retired teacher) ang trahedya ng kanyang nakaraan. Sinisisi pa rin niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang karelasyon na sundalo at dala pa niya hanggang ngayon ang bigat sa pagkawala ng kanyang great love.

The ending is bittersweet, sad and happy pero napatunayang love conquers all, that love is here to stay. Sabi nga sa isang kanta “The world will always welcome lovers as time goes by.”

Kaya naman sakto ang Moonlight Over Baler bago mag-Araw ng mga Puso.

Tulad ng ilang laglag sa MMFF baka blessing in disguise rin ang hindi pagkakasali nila sa film fiesta.

Dahil sa paninira sa FB, abogado pinatawan ng isang taong suspensiyon

Pinatawan pala ng isang taong suspensiyon ang abogadong si Atty. Argee Guevarra ng Supreme Court na napatunayang ginamit ang kanyang Facebook account para sa malisyosong bintang sa sikat na cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo.

Yup, dahil sa Facebook na kadalasang ginagamit ng ilang gustong maglabas ng galit sa ilang taong gusto nilang siraan o i-bash.

Nangyari ang insidente noong 2009 hindi pa gaanong maraming Pinoy ang FB users.

Ang nangyari raw, may nagreklamong kliyente ng Belo kay Atty. Guevarra. At doon na niya nilait at sinira-siraan ang pag-aaring clinic ni Belo.

Ikinatuwiran daw ni Atty. Guevarra sa SC na ginamit niya lang ang freedom of expression. At naka-private raw ang kanyang account kaya nag-violate ang kampo ng doktora sa pagbabasa ng kanyang post.

Pero hindi nakumbinse ang SC at pinarusahan ang abogado base sa lumabas na dokumento.

Kaya sa mga basher na talagang walang ngimi kung magmura at manira sa Facebook, puwede ring magdemanda ang mga sinisiraan lalo na nga kung wala namang basehan ang kanilang pinagsasasabi.

Show comments