MANILA, Philippines – Nagpahayag ng tuwa ang mga Kapamilya mom na sina Dimples Romana, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal sa kanilang social media posts dahil sa kanilang nakuhang kaalaman tungkol sa konsumo sa kuryente ng kanilang paboritong appliances at gadgets.
Ipinahiwatig nila sa kanilang posts ang malaking tulong ng tinatawag na Meralco Orange Tag na siya raw nagsasabi kung magkano ang konsumo sa kuryente ng isang klase ng appliance. Sinasaad nito kung magkano ang konsumo ng mga appliances na nasuri sa Meralco Powerlab, isang research at testing facility ng Meralco.
Para kay Dimples, malaking tulong na nalaman niya kung magkano ang konsumo sa kuryente ng kanyang laptop, dahil hindi na niya aalalahanin na malaki ang bayarin nila sa kuryente. Ito raw ay dahil nga sa impormasyon na binibigay ng Meralco Orange Tag.
At bilang isang manunulat na madalas gumagamit ng laptop, nakakatuwa rin na malaman na kulang-kulang sa P1 kada oras lamang ang nagugugol kong kuryente sa paggamit nito.
Si Melai naman daw ay nakakatulog ng mahimbing sa kanyang malamig na kwarto dahil alam niyang P5 lang kada oras ang paggamit ng kanyang aircon. Gumigising siya na maaliwalas ang pakiramdam dahil alam niya kung magkano ang maaaring nakonsumong kuryente ng kanyang aircon.
Sa isang post naman ni Jolina sa Twitter, sinabi ng aktres na: “Tonight’s mission: Look for perfect bedtime snacks for Pele. Walang problema dahil ayon sa Meralco Orange Tag, halos P18 kada araw ang kinokonsumong kuryente ng ref.”
Tulad ng mga nabanggit na celebrity moms, maari n’yo ring alamin ang electricity consumption at cost ng kinukursunada ninyong appliance sa pamamagitan ng Meralco Orange Tag at pagbisita sa http://www.meralco.com.ph/orangetag.
Mag-iina ni Ian nasaniban!
Bagong putahe ang handog ng box-office director na si Dan Villegas sa unang pagsabak niya sa horror-genre sa pelikulang Ilawod na sasambulat na ang misteryo sa Enero 18!
Matapos lumikha ng pangalan sa blockbuster romantic-comedy movies na English Only, Please! (Derek Ramsay & Jennylyn Mercado), #WalangForever, (Jericho Rosales & Jennylyn Mercado) The Break-Up Playlist, (Piolo Pascual & Sarah Geronimo) Always Be My Maybe (Gerald Anderson & Arci Muñoz) at How To Be Yours (Gerald Anderson at Bea Alonzo, wala nang urungan pa kay Villegas bilang isa sa magagaling na director na may dalang magic sa bawat gawing pelikula!
Marami na agad ang naintriga sa titulo ng movie, Ilawod. Ayon sa Palanca winner na sumulat ng kuwento na si Yvette Uy Tan, agad silang nagkasundo ni direk Dan na gumawa ng kuwentong katatakutan tungkol sa possession. Sa nakakilala sa gawa ni Tan, tubig ang common denominator ng istorya niya sa Sidhi, The Child Abandoned (Pasig River), The Bridge, (San Juanico), at Stars (Balicasag Island, Bohol).
Nagkasundo ang dalawa na gamitin ang tubig bilang elemento ng istorya. Sa tulong ng director/girlfriend ni Dan na si Antoinette Jadaone, iminungkahi niya ang salitang Tagalog na ilawod na sa Engish ay downstream (pababang agos ng tubig) dahil ang opposite nito ay ilaya na upstream sa English. Force of life rin ang tubig dahil ‘pag nakalangoy ka pataas ay mabubuhay ka subalit kapag hinila ka pababa ay kamatayan mo na!
Isang kuwento ng possession ang nabuo sa Ilawod pero walang actual demons at walang curses. Ngunit isang kuwento na kahindik-hindik na sasanib sa isang pamilya.
Magkasama sa isang Internet news publication sina Dennis, na reporter (Ian Veneracion) at Carlo (Epi Quizon), isang photographer. Pareho silang nagku-cover ng supernatural at weird stories.
Aksidenteng naiuwi ni Dennis sa bahay ang ilawod, ang elemental ng water na pababa ang agos. Isa-isang sinaniban ang asawang si Kathy (Iza Calzado), babaeng anak na si Bea (Xyriel Manabat) at nanatili ito sa bunsong anak na si Ben (Harvey Bautista).
Nagulo ang buong pamilya ni Dennis subalit nagsama-sama silang lumaban hindi lang para sa kanilang buhay kungdi upang iligtas din ang mga kaluluwa nila!
Sa unang labas pa lang ng full trailer ng Ilawod, humamig agad ito ng milyong likes, views at shares. Hangang-hanga rin sila sa bagong produkto ni Villegas dahil sapul na sapol niya ang panlasa ng Pinoy moviegoers sa unang sabak niya sa horror film.
Hanep ang chemistry nina Ian at Iza bilang mag-asawa. Kahanga-hanga rin ang husay ni Xyriel sa unang teen role niya matapos umani ng papuri bilang child actress. Very natural naman si Harvey na mana sa amang si Mayor Herbert Bautusta. Nakaw-eksena naman ang international best actress sa Moscow na si Therese Malvar dito sa kanyang first mainstream film.