Annulment nina Cesar at Sunshine, apektado dahil kay Macky?! Oro binawian ng award!

SEEN: Marami ang pabor na bawiin ng pamilya ni  Fernando Poe,Jr. ang  FPJ Memorial Award for Excellence na ipinagkaloob sa ORO dahil sa paglabag sa batas, ang pagpatay sa aso na napanood sa pelikula.

SCENE: Ang wala sa katwiran na depensa ng ORO director na si Alvin Yapan na ginawang komplikado ang isang isyu na siya rin ang may kagagawan. Kung walang pinatay na aso, walang kaso.

SEEN: Ang boycott ng animal lovers sa ORO bilang paraan ng pagkondena nila sa pagpatay sa aso na mapapanood sa pelikula.

SCENE: Nag-aalala ang mga supporter ni Sunshine Cruz na makaapekto sa annulment case nila ni Cesar Montano ang lantaran na pakikipagrelasyon niya kay Macky Mathay.

SEEN: Pinilahan noong Lunes, January 2, sa ilang mga sinehan sa mall ang mga pelikula ng Metro Manila Film Festival 2016. May dapat ikatuwa ang mga artista at producer ng Sa­ving Sally dahil may pila sa mga sinehan na pinagtanghalan ng kanilang pelikula.

SCENE: Ang official statement ng Metro Manila Film Festival Executive Committee tungkol sa pagbawi nila sa Fernando Poe , Jr. Award for Excellence na ibinigay sa ORO sa Gabi ng Parangal noong December 29, 2016.

Upon prior consultation with the family of the late Fernando Poe, Jr, the Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee announces its deci­sion to withdraw the Fernando Poe Jr. Memorial Award recently granted to the film “Oro.” Without making any judgment on the artistic merit of the film or cinematic depiction, the MMFF finds the pre­sent controversy on the alleged killing of a dog in the course of the filming of the movie effectively casts a doubt on the movie’s ability to exemplify the human and cultural values espoused by the late Fernando Poe, Jr.

Show comments