Pagkatay ng aso sa MMFF movie ipo-protesta?!

Cast of Oro

MANILA, Philippines – Gustong ireklamo ng isang grupo sa kinauukulan ang pelikulang Oro. Ang basehan daw ng kanilang reklamo, ang eksenang kinatay at tinanggal ang lamang loob ng isang aso na malinaw na isang uri ng cruelty to animal. Nakita umano sa eksena kung paano kinatay ang kawawang aso.

Ang unang info umano’y pinatanggal ito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) pero ayon sa mga nakapanood ng pelikula sa mga sinehan ngayon, andun pa rin ang naturang eksena na hindi rin daw kinakaya ng iilang nanonood.

Pero ang ikinatataka ng marami ay kung paano itong nakalusot sa selection committee ng MMFF.

Medyo mabigat ang kuwento ng Oro at isa ang nasabing eksena sa nagpabigat sa kuwento ng official entry sa ginaganap na MMFF.

Julia at Ama

Dasal ni Julia dininig ng diyos, amang nag-abandona pagkapanganak nakita na!

Sa tulong ng fans nila ni Coco Martin, nahanap na ni Julia Montes ang kanyang amang German.

Maaalalang sa mga interview noon kay Julia ay very open siya sa pagsasabing wala siyang kinamulatang ama dahil bata pa lang  ay iniwan na sila nito. Deaf and mute ang kanyang ina kaya sa kanyang lola siya lumaki.

“Hindi ko aakalain na darating ang araw na ito, makikita at makakasama ko siya ... unang una gusto ko magpasalamat sa Panginoon na ipinagkaloob niya ang pagkakataon na ito ... malinaw pa sa isip ko nung mga panahon na ipagdasal ko na mangyari ang araw na ito hanggang sa sumuko na ko at nawalan ng pag-asa ....

“Maraming ways talaga ang Panginoon para sa atin ... iba hinihingi natin sobra-sobra pa ang binibiyaya sa atin ... sa mga naging tatay-tatayan ko salamat din sa inyo dahil lalo kong na-appre­ciate ang Papa ko dahil sa inyo ....

“At sa Cocojul din na isa sa naging daan para magkausap kami and to my Cousin Michelle who did everything and every way to make this day possible .... Thank you ! ... ,” sabi ng Kapamilya actress sa kanyang IG account.

Kuwento pa noon ni Julia na hindi sila nagbago ng address hanggang makalipat lang sila sa Fairview kaya kahit sulat daw sana ay may matanggap siya.

Pero obviously, mas labis pa sa sulat ang natanggap niya, nagkita pa sila ng ama.

Bangs at BF

Bangs Garcia luxury car ang natanggap na xmas at wedding gift sa mapapangasawa

Parang matadung ang mapapangasawa ng actress na si Bangs Garcia.

Isang luxury car lang naman ang ibinigay sa kanyang Christmas and wedding gift ng magiging mister niyang si Lloydi Birchmore. Sa London nga lang kaya malabong maiuwi ng actress ang nasabing mamahaling kotse.

Sa London nag-Christmas ang actress na ikakasal sa Boracay.

“My 2016 definitely started with a big surprise from @lloydiboi24 by proposing to me in Boracay last January and now he made sure that my year is going to end with another big surprise as well by giving me a BMW 4 series M Sport as Christmas/Wedding Gift.???? He said he wanted to give me more and more incentives to hurry up and move my ass to UK already!???? Lol!???? He’s usually not so good at surprising me with his presents but he sure did surprise me yesterday.???? And Oh! I took the car out for my first spin last night and it was good fun!???????? Thank you for always being so thoughtful baby ko @lloydiboi24 ???? I love you so much! #ValLoydi #ChristmasGift #WeddingGift #BMW,” caption sa Instagram post niya after Christmas.

Sa December 30 ang kasal nila sa Bora kung saan din nakilala ni Bangs ang mapapangasawang negosyante.

Huling napanood si Bangs sa Till I Met You sa ABS-CBN na pinagbibidahan nina James Reid and Nadine Lustre.

MMFF movies na kumikita walang ranking

Happy na rin pala ang Metro Manila Film Festival Executive Committee sa naging kapalaran ng walong pelikulang ipinalalabas pa sa mga sinehan.

Hindi man kumita ng kalakihan at malabong mapantayan ang kinita noong nakaraang mga MMFF, ayos na raw sa kanila na nasimulan ang pagbabago sa pelikulang Pilipino.

Pawang indie films ang kasali at isa lang ang masasabing formula movie, ang Vince &  Kath & James na kasalukuyan pa ring palabas sa mga sinehan sa MM.

Wala naman silang ibinigay na figures pero kasama sa top grossers ang apat na pelikula in alphabetical order.

“The MMFF Execom is happy to have reached our 1st day  target ticket sales. We have re-assessed and set a new benchmark for this festival, we nevertheless look at the financial sales for the 1st day as a real bonus as we have already achieved what we started out to in the first place which is the cultural advancement through our Filipino films.

“You cannot put a price at something which the future generations of Filipinos will find priceless and ageless.

“We are happy to announce that the first day topgrossers (In alphabetical order)  are:

“Ang Babae Sa Septic Tank 2

“Die Beautiful

“Seklusyon

“Vince and Kath and James

“We shall continue promoting and supporting the 8 MMFF entries as they all deserve to be watched and patronized by the Filipino audiences.

“Be rest assured that the MMFF Execom will always serve to our best effort all our stakeholders and serve the greater purpose of not only commerce but also of audience education and development,” ang kumpletong press statement ng spokesperson ng MMFF na si Mr. Noel Ferrer.

Show comments