^

PSN Showbiz

Carlo nagpa-tinta gamit ang ‘Nchan’!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iba talaga kung mag-iwan ng marka ang Encantadia dahil kung ang mga manonood ay hindi na makalimutan ang kakaibang magic na hatid ng programa, mas grabe pa ang halaga nito sa puso ng mga aktor na nagbigay buhay sa mundo nito. Gaya na lang ni Carlo Gonza­lez, na habambuhay nang nakamarka ang role na ginampanan niya bilang Muros sa programa matapos magpa-tattoo ng pangalan gamit ang ‘Nchan,’ ang alpabeto ng mga engkantado.

Ipinost ng aktor sa Instagram  ang litrato ng kanyang bagong tattoo na may caption na, “One of the most painful things I have endured but, definitely worth it! #nchan #encantadia2016 #inked”.

Glaiza handa nang mawasak ang puso

Matibay ang pagkakaibigan nina Glaiza de Castro at ang kanyang “amigah” na si Angelica Panga­niban at patutunayan nila ito sa pamamagitan ng pagwasak ng kanilang puso nang sabay. Nakatanggap kasi ng regalo si Glaiza mula sa kaibigan at talagang ikinagulat iyon ng Kapuso actress.

Isang ticket para sa Coldplay concert sa Singapore ang Pamasko ni Angelica sa Encantadia star at labis ang saya ni Glaiza dahil dito. Nang tanungin si Glaiza kung handa na ba siya sa concert ay napasagot ito ng “Handa na pong mawasak ang puso koo!” Nakakatuwang makita na ang dalawang aktres ay napanatili ang pagkakaibigan sa mahabang panahon.

GANDANG RICKY REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with