^

PSN Showbiz

Seklusyon inaasahang lalaban!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sinuportahan ni Mother Lily Monteverde ang red carpet premiere ng Seklusyon sa SM Megamall Cinema 10 noong Huwebes.

Kagagaling lang ni Mother at ng kanyang pamilya sa ilang araw na bakasyon sa Japan kaya fresh na fresh siya nang umapir sa premiere ng Seklusyon, ang horror movie na official entry sa 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF) na mag-uumpisa bukas, December 25.

Ang anak ni Mother na si Dondon Monteverde ang producer ng Seklusyon.

Wala sina Mother at Dondon nang magkaroon ng presscon ang Seklusyon sa Valencia Events Place noong nakaraang linggo.

Suporta rin ni Mother Lily sa pelikula ang presscon na ipinatawag niya, kahit rumarampa siya sa Japan.

Ang  Seklusyon ang one and only na horror movie sa MMFF 2016. Gustong-gusto pa rin ng mga Pinoy na manood ng horror movies kaya sure winner sa takilya ang Seklusyon.

Noong 2015, surprise hit ang Haunted Mansion sa MMFF. Si Mother ang producer ng Haunted Mansion na pinilahan sa takilya sa MMFF 2015.

Akting ni Uge sa Septic walang maipintas

Kung kailan Pasko, saka naman umeeksena si Typhoon Nina na pumasok na kahapon sa Philippine area of responsibility. Ipagdasal natin na magbago ang ihip ng hangin, humina si Typhoon Nina at tuluyan ito na mawala para maging masaya ang Pasko ng lahat ng mga Pilipino.

Kapag naging maulan ang panahon bukas, makakaapekto ito sa opening day sa mga sinehan ng walong pelikula na kasali sa MMFF 2016, ang Seklusyon, Vince & Kath & James, Saving Sally, Oro, Kabisera, Sunday Beauty Queen, Die Beautiful, at ang Ang Babae sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough.

May mga kakilala ako na panonoorin sa loob ng dalawang araw ang lahat ng filmfest entries at uunahin niya ang mga pelikula na hindi gaanong matunog sa takilya dahil afraid sila na baka ma-pull out agad sa mga sinehan.

Siyempre, popular na popular sa moviegoers ang Die Beautiful  at  Septic Tank 2 dahil nakatulong ang good reviews sa mga pelikula nina Paolo Ballesteros at Eugene Domingo.

Hindi nagkamali ang Quantum Films na magkaroon ng press preview ang Septic Tank 2 dahil positive ang lahat ng mga feedback.

Ganito rin ang ginawa ni Atty. Joji Alonso, ang producer ng Quantum Films sa #WalangForever, ang entry niya sa MMFF noong 2015.

Ipinapanood muna ni Atty. Joji sa entertainment press ang pelikula nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales. Dahil maganda ang pelikula, umani ito ng positive reviews at nanalo ng mga acting award ang lead stars.

Wala akong nababasa o naririnig na mga pintas sa Septic Tank 2. Basta ang sabi ng mga reporter na nakapanood sa sequel ng pelikula ni Eugene Domingo, malaki ang laban niya sa Best Actress category sa awards night ng MMFF 2016 na magaganap sa Kia Theater sa December 29.

Sa Best Picture category, hinuhulaan na mahigpit na maglalaban ang Die Beautiful at Septic Tank 2 na parehong binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Paolo kabado pa rin sa magagandang reviews ng Die Beautiful…

Normal lang na kabahan si Paolo Ballesteros sa magiging resulta sa takilya ng Die Beautiful dahil ito ang launching movie niya.

Nakasalalay kay Paolo ang tagumpay ng pelikula pero hindi siya dapat nerbyosin nang todo dahil  pabor sa kanya ang lahat ng reviews sa Die Beautiful.

SENATOR MANNY PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with