^

PSN Showbiz

Catriona top contender sa beauty with a purpose ng Miss World!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Catriona top contender sa beauty with a purpose ng Miss World!

Catriona

MANILA, Philippines – Ang ganda sa mga official photos sa Miss World 2016 ng pambato nating si Catriona  Gray.

Sana nga ay manalo siya at matulad sa kapalaran ni Megan Young.

Gaganapin ang coronation night ng Miss World 2016 na mapapanood sa GMA-7 sa December 19 (8AM) via delayed telecast.

So far maganda din daw ang pinakikitang performance ni Catriona sa mga pre-pageant activities.

Pasok din siya sa  Top 10 in the Talent Competition at top contender for the Beauty with a Purpose prize. And she is also favored daw by many pageant sites around the world.

Magiging host ng grand coronation night na gaganapin sa Washington D.C., U.S.A. ay ang Kapuso and Philippines’ first-ever Miss World na si Megan.

Pero may payo si Megan kay Catriona na ‘wag masyadong maging confident kahit na nga malakas ang dating niya. “That’s good news for us. Parang one foot inside the door na si Cat to winning the title.

“But I don’t want to jinx her chances. Kaya I am not expecting anything for now. I just want Cat to give her best,”  sabi ni Megan na nu’ng manalo raw siya ay hindi siya umasa nang kahit ano.

“Mas maganda kasi ‘yung surprised ka kesa sa overly confident ka.

“When I won Miss World three years ago, it was the best moment in my life kasi wala akong inaasahan na gano’n ang mangyayari sa akin.

“Kaya I tell Cat to just savor the moment. Have fun and do not expect anything,” pahayag ni Megan sa isang interview.

So sigurado maraming maaaligaga kung anong magiging kapalaran ni Catriona sa Lunes ng umaga.

Cesar gusto nang magtrabaho!

Naghihintay lang si Cesar Montano na maka-oath taking bilang Tourism Promotions Board Chairman bago magsimulang magtrabaho.

Bago mag-Pasko, manunumpa na siya sa Malacañang ayon sa isang kausap ko kahapon.

Handang-handa na raw si Cesar sa kanyang posisyon. Sana lang daw ay walang mang-intriga sa kanyang pag-upo.

Nararamdaman na raw ni Cesar na hindi magiging madali ang kanyang gagawin pero nag-pramis daw ang actor na gagawin niya ang lahat para maging successful ang kanyang mga proyekto sa tourism industry ng bansa.                                   

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with