Solenn mas gusto ang maraming Christmas lights kesa sa snow

Solenn

Gustong-gustong ipinagdiriwang ni Solenn Heussaff ang Kapaskuhan sa Pilipinas. Ayon sa model-actress ay talagang masaya at kakaiba ang Pasko rito sa ‘Pinas. Maraming Pasko na ang naipagdiwang ni Solenn sa ibang bansa kaya talagang naipagkukumpara niya ang pagdiriwang nito. “May snow pero wala masyadong lights. ‘Yon ang gusto ko rito sa Philippines, mahilig tayong mag-decorate. Kahit hindi pa Christmas, three months before, Christmas na agad. You hear Christmas songs on the radio. Sa bawat kanto, may Christmas lights na. You really feel the joy and spirit,” pagbabahagi ni Solenn. 

Tuwing Noche Buena ay sila ng kapatid na si Erwann Heussaff ang palaging abala sa pagluluto at paghahanda ng kanilang mga kakainin. “We always have cheese, caviar and ham. Mahilig akong magluto at ako talaga ang namimili ng mga groceries ko. Never akong nagpabili sa iba. Mas maganda ang preparation kapag ikaw personally na pumili ng pagkain mo,” nakangiting pahayag ni Solenn. 

Samantala, kapag walang trabaho ay gusto lamang daw ng aktres na maglagi sa bahay. “Mas gusto kong magpahinga, nasa bahay lang. Nagpi-paint or nagluluto,” pagtatapos niya.

Ronnie tumatak na sa sex video

Aminado ang miyembro ng Hashtags na si Ronnie Alonte na mas nakilala siya dahil sa pagkakasangkot sa isang sex scandal kamakailan. Mas sumikat daw ang aktor dahil dito kahit pa itinangging siya ang nasa kontrobersyal na video. “Tingin ko nakatulong din. Kasi siyempre pinag-usapan talaga ng mga tao. ‘Sino ba ito?’ na-curious sila sa Ronnie Alonte na ‘yun and bigla na nila  akong napapanood sa Showtime everyday,” nakangiting pahayag ni Ronnie. 

Hindi raw kailanman naisip ng aktor na gumawa ng scandal upang pag-usapan at maging sikat. “Hindi eh, ano naman? para naman akong loko no’n na kailangan pang maglabas ng scandal para lang makilala ng tao? Siyempre gusto ko ‘yung makilala ako ng tao na, ‘Ito mabait,’” giit ng binata. 

Inaamin din ni Ronnie na may pagkapilyo siya sa ibang pamamaraan. “May pagka-naughty. ‘Yung pagkaloko ko hindi sa gano’n eh. ‘Yung pagkaloko ko sa mga kaibigan ko eh, ginagaspangan ko,” pagtatapat ng aktor. 

Masayang-masaya si Ronnie dahil bukod sa Vince & Kath & James na pinagbibidahan nila nina Julia Barretto at Joshua Garcia ay kabilang din sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikula niyang Seklusyon. Sa susunod na taon ay mapapanood naman ang aktor sa teleseryeng A Love to Last na pinagbibidahan naman nina Bea Alonzo at Ian Veneracion.

Show comments