Kasal ni Rosanna sa tibo binoykot ng mga anak! Cherry pie binibira sa pagiging anti-death penalty!
PIK: Hindi naman daw dapat ika-insecure ni Dominic Roque na si Ronnie Alonte ang lumabas na bida sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang Seklusyon ni direk Erik Matti. “Okay lang po ‘yun kasi nung in-offer naman sa amin ‘to parang may mga
sarili kaming gagawin, may sari-sarili kaming highlight sa pelikula,” pahayag ng Kapamilya actor.
Pumayag din si Dominic na magpakita ng puwet sa pelikulang ito. Pero mukhang hindi mapapanood sa MMFF version nito, pang-international cut daw ito.
PAK: Si Butch Francisco ang isa sa pinakasamaya sa pagpapakasal ng best friend niyang si Rosanna Roces sa kanyang karelasyong tomboy na si Blessy Arias. Sa sariling obserbasyon daw niya, mukhang mas lamang ang pagmamahal ni Rosanna kung ikumpara sa pagmamahal ni Blessy. Dun daw niya nakita kung gaano kasaya ang aktres. Pero kapansin-pansin ang ‘di pagdalo ng mga anak nitong sina Grace at Onyok.
Pinapunta lang ni Grace ang isang anak niyang nag-flower girl yata at ang anak kay Vice Governor Jolo Revilla na si Gab na siyang Bible Bearer naman. Pero no show si Grace, at understandable ang ‘di pagdalo ni Onyok dahil hindi pa rin sila nagkasundo ng kanyang ina.
BOOM: Pinutakti raw ng bashers si Cherry Pie Picache sa post niyang opinyon tungkol sa pagkontra sa restoration ng Death Penalty. Mahaba ang caption niya sa post nitong “Why do we kill people who kill people to show killing people is wrong?”
Isa si Cherry Pie sa active sa pag-promote ng Pro-Life at kahit nakaranas siya ng matinding karahasan sa pagpaslang sa kanyang ina, buo pa rin ang stand ni Cherry Pie sa pagtutol sa Death Penalty.
Bahagi ng nakasaad sa caption nito; “Bakit ba gustung-gusto nyo ang kultura ng karahasan, pagpatay, galit…bakit?!!!”
Na-bash ito nang husto dahil nagbago raw ito ng stand sa kabila raw ng ginawa sa kanyang ina. Nilinaw ni Cherry Pie na Anti-Death Penalty pa rin daw ang ipinaglalaban niya bago pa may nangyari sa kanyang ina.
Ani Cherry Pie, “Ang sinasabi kasi nila nung time ng passing ng Mommy ko, I was for Death Penalty.
“Gusto ko i-clarify that I’ve been against Death penalty ever since. Even before it happened, and even it happened you know I’m praying na hindi madali sa akin ang desisyon na ganun.
“May Diyos ka eh. I’m still against Death Penalty. Naniniwala ako na ‘yung Reclusion Perpetua, yung lifetime imprisonment is enough para mapagsisihan niya ang evil na ginawa niya and to go back to God.”
Nalulungkot lang daw siya ngayon dahil sa nangyayari ngayon na ang dali na lang daw pumatay.
“Nalulungkot ako kasi bakit pinipilit sa atin ang kultura ng violence? Bakit ipinipilit sa atin ang kultura ng galit at paghihiganti?
“Hindi ba dapat ngayon…kitang-kita naman sa atin, sa bansa natin…I mean around the world we need more love, we need peace.
“Ang ikinatatakot ko kasi ‘yung effect nito sa mga bata,” dagdag pang pahayag ng aktres.
Hindi na lang daw niya pinapansin ang mga sinasabi ng mga bashers niya, pero nasasaktan daw siya.
- Latest