Kaya lilipat sa mas maliit na bahay Pokwang hindi na makilala ng ina!

Pokwang

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Pokwang dahil sa pagkakaroon ng inang si Nanay Gloria ng Alzheimer’s disease. Sa ngayon ay lumalala na raw ang kondisyon ng ina ayon sa komedyante. Ito ang naikwento ni Pokwang sa kaibigan naming si Eric John Salut. “Idinadaan ko na lang sa patawa, pero sobrang lungkot ko. Hindi ko ipinapakita sa kanya na malungkot ako, na umiiyak ako,” bungad ni Pokwang.

Hindi na raw nakakakilala si Nanay Gloria ngayon maging sa lahat ng mga anak at apo. “’Yung si Dino, ‘yung bunso namin na paborito niyang anak, hindi na rin niya kilala. Pati si Mae (anak ni Pokwang), wala, hindi na niya kilala. Kaya nga kapag wala akong trabaho, talagang sa bahay lang ako para makasama ko si mama,” kwento ni Pokwang.

“Wala na siyang emosyon. Tulala na siya, ayaw na niyang kumain. Wala na siyang konsepto ng lungkot o saya. Kahit ‘yung caregiver niya, kapag hindi niya gusto, inaaway niya. Kaya aaliwin na lang namin at papatawanin,” dagdag pa niya.

Samantala, ngayong linggo ay nakatakda nang lumipat ni Pokwang sa mas maliit na bahay kasama ng kanyang ina. “Two-storey lang itong lilipatan namin. Gusto ko, katabi ng room ko ang room ni mama. Sa dating bahay kasi, nasa third floor ako, tapos si mama sa baba. Ang daming stories nga ‘di ba, na nakakaalis si mama ng room niya. Malalaman na lang namin, nasa guard house na. Itong bagong bahay, mas tight ang security, lola-friendly and hindi kataasan,” pagbabahagi ni Pokwang.

Joshua walang paki sa kikitain ng pelikula nila ni Julia

Masayang-masaya si Joshua Garcia dahil napabilang ang kanilang pelikulang Vince and Kath and James sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Kapaskuhan. Kasamang bida ng aktor sina Julia Barretto at Ronnie Alonte sa nasabing proyekto.

Dapat daw ay Oktubre pa ipinalabas sa mga sinehan ang kanilang pelikula. “Parang hindi kami u­mabot hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Sobrang swerte namin na nakapasok kasi hindi namin ini-expect. Para sa akin ang lucky charm ko si Julia kaya nakapasok,” nakangi­ting pahayag ni Joshua.

Sinasabing ang kanilang pelikula lamang ang nakapasok na mainstream dahil karamihan ng kalahok sa MMFF ay independent films. “Masaya ako na kami lang ang mainstream. Doon pa lang malaki na ang advantage namin. ‘Yun lang kinakabahan ako sa kikitain namin pero ako kasi wala ako doon sa kikitain. Nandoon ako sa award siyempre, number one. At siyempre doon sa matututunan ng tao at sa mabibigay naming impluwensya sa kanila,” paliwanag ng aktor.

Show comments