Bukod sa pagho-host ay pinasok na rin ni Tintin Bersola ang pagpo-produce. Ngayon ay nae-enjoy daw ni Tintin ang pagiging producer. “It’s wonderful. You’re the boss, you have complete control kasi you’re the producer so you greenlight the project, you give the topic, you meet the clients. It’s like having your own mini network. Now I produce a financial literacy show” nakangiting pahayag ni Tintin.
Sa ngayon ay isang independent film na ang pinaghahandaang gawin ng TV host. “In fact we already talked to several actor and actresses if they can act in our indie film. Sobrang busy ng mga kausap namin na mga sikat so wala pang oras. But once they’re okay with their schedules okay na,” pagbabahagi ni Tintin.
Nikko nabili na ang pinapangarap
Masayang-masaya ang miyembro ng Hashtags na si Nikko Natividad dahil nabili na niya noong isang linggo ang kotse na matagal nang pinapangarap. Nagmula raw sa mga naipon ng baguhang aktor ang ipinambili niya ng bagong sasakyan. “Nabili ko na po ‘yung dream car ko na Montero. November 23 ko po siya nakuha, kulay silver at sobrang saya ko po,” nakangting bungad ni Nikko.
“’Yon naman pong sasakyang binili ko, hindi naman po basta luho eh. Kailangan ko rin naman sa trabaho. Kapag may raket ako, at least hindi na ako nagre-rent ng van. Pero ako lang muna ang nagda-drive kasi hindi ko pa kayang kumuha ng driver,” dagdag pa ng aktor.
Ngayon ay bahay at lupa naman daw ang pag-iipunan ni Nikko at pangarap bilhin balang araw.
Samantala, sa pagpasok ng bagong taon ay muling papasok ang aktor kasama si McCoy de Leon sa Pinoy Big Brother house kung saan kabilang ang dalawa sa unang batch ng housemates ngayong season.
Aminado si Nikko na mas nakilala siya ng mga tao dahil sa pagkakasali niya sa nasabing reality show.“Dumami talaga ‘yung following ko. ‘Pag nakikita ako ng mga tao ang tawag lang sa akin, ‘Si Hashtag, si Hashtag.’ Ngayon Nikko na, alam na ‘yung personality ko na komedyante, na may anak na. Natutuwa ako na kilala na ako na gano’n,” pagtatapos ng aktor.