Sa nabasa naming post sa Bisaya ni Claudine Barretto, kamag-anak ni Raymart Santiago at 28 years old ang nanakit sa anak nila ni Raymart na si Santino. Chinoke at twinist daw ang right arm ng anak, kaya namaga at namula ang braso nito. Idagdag pa na super traumatized daw ang bata at kinailangang i-confine.
Dagdag pa ni Claudine, nagtago na ang nanakit kay Santino, pero hindi siya titigil hangga’t hindi nagso-sorry sa kanya at kay Santino.
Sa unang post ni Claudine, magdedemanda raw siya at hihintayin lang makalabas ng hospital ang anak.
This Tuesday ang sinabi ni Claudine na papangalanan niya ang nanakit sa anak, pero may clue na ang nakabasa sa posts niya sa Instagram (IG) kung sino dahil binanggit niya ang pangalan ni Raymart.
May post din si Claudine na “sana nga maipaglaban nya anak nya kahit minsan lang SA buhay nya. Pamilya nya kasi yun kaya malamang gusto nya walang gulo. Pero puwede ba namang palagpasin dahil lang pamilya nila???” at “Di po sa school sinaktan si Saint. PAMILYA NYA PO GUMAWA SA KANYA. KAMAG ANAK.”
Jennylyn at Maine may kumpetisyon
Tamang-tamang nakabalik na si Jennylyn Mercado mula sa bakasyon nila ni Dennis Trillo sa Amsterdam (may side trip to Paris) dahil sa December 1, isa siya sa inductee ng yearly Walk of Fame founded by German Moreno. Nasa Movies category si Jennylyn, kasama sina John Arcilla, Liza Soberano at Angelica Panganiban.
Anyway, may teaser na ipinalalabas ang GMA 7 tungkol sa My Love From The Star na unang nabalitang para kay Jennylyn. Nabanggit nga nito sa isang interview na pinanood na niya ang ilang episodes ng Korean series para magkaroon ng background sa role na gagampanan.
Kaya nagre-react ang fans ni Jennylyn sa tsikang ibibigay kay Maine Mendoza ng GMA 7 ang nasabing project. Umaasa ang fans na hindi totoo ang tsismis but on the other hand, may tsika namang napili na ang makakapareha ni Jennylyn, ang gaganap na si Matteo Do at isa siyang model.
Kahit alam na ng lahat Ryza hindi mabanggit ang pangalan ng bf na si Pocholo
The first time tanungin namin si Ryza Cenon sa boyfriend niyang si Pocholo Barretto sa pictorial ng Ika-6 Na Utos, nakiusap itong ‘wag banggitin ang pangalan ng BF. Hindi lang kami sumunod dahil nababalita na sa social media ang relasyon nila, unfair naman sa mga reporter ‘yun.
Sa presscon ng Enteng Kabisote10 and The Abangers, hindi kami nagkaroon ng chance na ma-interview si Ryza, pero sabi ng mga nakausap nito, hindi rin ito masyadong nagkuwento tungkol kay Pocholo.
Sa presscon ng Ika-6 Na Utos mamaya, siguro naman mababanggit na ni Ryza si Pocholo dahil nag-“I love you” na siya rito sabay message sa selebrasyon ng kanilang two months relationship. “I’m blessed and I thank God for everything. And thank you Mahal. I love you” at sinagot ni Pocholo ng “I love you babe.”
Mauuna ang showing ng Enteng Kabisote 10 and The Abangers sa November 30 at susunod ang pilot ng Ika-6 Na Utos sa December 5.
Ether ng Encantadia, champion sa wushu
Kaya pala professional kumilos at talagang magaling sa martial arts ang gumanap na Ether sa Encantadia dahil siya si Janice Hung, champion sa wushu at tinatawag na Wushu Queen. Matagal nang palaisipan sa Encantadiks kung sino ang babae sa likod ng maskara, ayun, nadiskubre rin namin kung sino siya.
Ang sunod na inaabangan ng sumusubaybay sa fantaserye kung sinong Kapuso stars ang gaganap na gabay diwa nina Pirena, Danaya at Amihan dahil may teaser na sa kanilang paglabas. Tama ang sabi ni direk Mark Reyes, marami pang sorpresang hatid ang Encantadia.