MANILA, Philippines – Musika, masayang samahan, at ang malamig na simoy ng hangin dahil sa papalapit na kapaskuhan sa ilalim ng mga bituin ang makikita sa Amaia acoustic evenings na naganap sa mga Amaia Scapes properties sa Hilagang Luzon noong ika-8, 15, at 21, ng Oktubre.
Upang muling iparanas sa mga nais bumili ng Amaia units ang kumportableng pamumuhay sa Amaia Scapes, nagkaroon ng “acoustic nights” o gabi ng musika sa Amaia Scapes Bulacan; San Fernando City, Pampanga; Capas, Tarlac; Urdaneta, Pangasinan at Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Si Ching Higino, ang regional sales head ng North Luzon, ang tumanggap sa lahat ng mga bisita sa iba’t ibang Amaia Scapes property. Ayon sa kanya, nais iparamdam ng Amaia kung paano ang istilo ng pamumuhay sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng paghahanda ng gabi ng acoustic na musika, na bihirang mangyari sa mga probinsya.
Ipinakita ng mga acoustic nights na pinahahalagahan ng Amaia Land ang mga ordinaryong Pilipino, kahit hindi pa sila residente ng Amaia.
Tumutugon rin ito sa pagnanais ng Amaia Land na makapagbigay ng magandang buhay at bahay sa mga Pilipino - mga guro, may-ari ng maliliit na negosyo, empleyado ng gobyerno, at nagsisimulang mga pamilya.
Hindi lamang tinutupad ng Amaia Scapes ang pangarap ng mga Pilipino na magkaroon ng sariling bahay, konbinyente rin ito dahil malapit ito sa mga komersyal na lugar at istasyon ng transportasyon.
Maaaring pumunta ang mga interesadong bumili ng Amaia unit sa lahat ng events ng Amaia Scapes. Kung mayroong mga katanungan, maaaring magtungo sa mga Amaia booth sa mall at mga opisina ng Amaia. Pwede ring bisitahin ang www.amaialand.com, www.facebook.com/AmaiaLand o tumawag sa 0977-842-AMAIA.