Dion at Derrick matagal nang may alitan

MANILA, Philippines - Pangkaraniwan sa magkakapatid ang tinatawag na ”sibling rivalry” o ang hindi pagkakasundo. Paano kung ang hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid ay humahantong na sa sakitan? Paano kung ang iyong kapatid, na iyong kaaway ay makita mong binubugbog ng ibang tao?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, tunghayan ang totoong kuwento ng magkapa­tid na Raymond at Randy, isang kaka­ibang kuwento ng magkapatid na mortal na magkaaway. 

Laking probinsya sina Raymond at Randy. Bata pa lang sila, hindi na sila magkasundo. Magkaiba kasi ang ugali nilang dalawa. Si Raymond daw ang bad boy sa kanilang magkapatid samantalang si Randy ay tahimik lang at masipag mag-aral.

High school na si Randy at si Raymond naman ay huminto na sa pag-aaral. Sa mga panahong ito ay palagi nang nasa barka da at puro inom ang inaatupag ni Raymond habang si Randy naman ay nakasubsob sa pag-aaral.

Isang araw ay napagtripan ng mga dayuhan si Randy. Nakita ni Raymond ang kapatid na nakahandusay sa lupa at patuloy na ginugulpi ng mga kalalakihan.

Magbago kaya ang pagtitinginan ng magkapatid dahil sa sitwasyon na ito?

Itinatampok sina Dion Ignacio bilang Raymond at Derrick Monasterio bilang Randy. Makakasama rin sina Isay Alvarez bilang Remy, Ri­chard Quan bilang Ben, Mel Kimura bilang Aling Nita, Lindsay De Vera bilang Eden, Jay Arcilla bilang Kokoy, Brent Valdez bilang Michael, Dentrix Ponce bilang young Randy at Julius Erasga bilang young Raymond.

Mula sa dikesyon ni L.A. Madridejos, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

Show comments