May banggit pang penis kahit cartoon Miyembro ng screening committee pumiyok, mga kasali sa MMFF wala talagang pambata

Alma nanghihingi ng dasal Mark hindi pa rin tanggap na nasa kulungan na

PIK: Papasok na sa 6th season ang programang #MichaelAngelo na napapanood sa GMA News TV tuwing Sabado ng 5 p.m. Proud ang host nitong si Michael Angelo Lobrin na umabot sila ng pang-anim na season dahil nagsimula lang daw talaga sila sa payak na programa at hindi raw niya alam kung paano nila ito nairaos sa mangilan-ngilan lang nilang sponsors.

Si Michael Angelo ang dating seminarista na close kina AiAi delas Alas, Dingdong Dantes at ilan pang kilalang celebrities. Siya rin ang isa sa nag-asikaso sa Papal Award ni AiAi, dahil kilalang-kilala naman talaga niya ang Comedy Queen.

Magaling na inspirational speaker din si Michael Angelo at malaki ang naitulong nito kaya nakakuha siya ng sponsors kagaya ng Bountry Fresh Chicken na may Chooks to Go at Uling Roaster na madalas niyang binibigyan ng talk.

Sa first episode ng kanilang 6th season ay special guest nila si Alden Richards na isa sa nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan.   

PAK: Binanggit ng taga-Metro Manila Film Festival (MMFF) na meron naman daw pambata na kalahok sa filmfest kagaya ng Vince and Keith and James ng Star Cinema at ang Saving Sally ni Rhian Ramos.

Pero napansin namin sa trailer pa lang ng Sa­ving Sally na merong karakter na parang animation at tinawag nilang ‘giant penis’. Binanggit mismo sa trailer pa lang, kaya masasabing hindi talaga ito para sa mga batang audience. Pati nga ang isa pang youth-oriented film na Vince and Keith and James, ay ‘di naman masasabing para talaga sa mga bata.

Sagot ng isang miyembro ng screening committee ng MMFF na si Mae Paner o Juana Change, “Hindi ko nga sasabihing pambata as in halimbawa mga 5 or 6 o 7 years old, hindi nga eh. Pero kasi, ‘yun lang din naman ang limitation eh. Kasi ‘yung tatanggapin namin, ay based lang din dun sa mga isinabmit.

“I would have wanted na meron sanang mas pambata, subalit ito lang ‘yung napanood namin, and we only judged on what we saw.

“I cannot really say na pambata, bata.”

Kaya lumalabas na wala talaga sila para sa mga batang nai-enjoy ang mga fantasy at mga karakter kagaya ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

BOOM: Malungkot pa rin ang mukha ni Mark Anthony Fernandez nang dumalo ito sa Clarificatory hearing kahapon na ginanap sa tanggapan ni Prosecutor Percival T. Atinaja ng Angeles Hall of Justice.

Ayon sa abugado niyang si Atty. Sylvia Flores, nagkaroon lang daw nang paglilinaw ang prosecution bago nito desisyunan kung iaakyat na sa korte ang kaso ni Mark Anthony.

Nag-request sina Mark ng reinvestigation ng kaso at Motion to Dismiss at ito ang pinag-aaralan ng prosecution. Hihintayin na lang nila ang resolution nito.

Nangingiid pa rin ang luha ni Alma Moreno nang makausap namin pagkatapos ng hearing. Pero kailangan daw niyang magpakatatag para sa kanyang anak.

Seryosong pahayag ni Alma, “Bilang ina, hindi pa rin nawawala ‘yung nerbyos. Hindi pa rin nawawala ‘yung sa kaiisip sa anak, sobra pa rin ‘yung dasal, at humihingi ako ng dasal sa mga kaibigan tuwing may nakakausap ako na kayanin ng anak ko at maging matatag ang anak ko sa loob.

“Hindi pa nakaka-adjust talaga si Mark sa loob. ‘Yun na lang sinasabi ko lagi sa kanya na ‘Mark, i-accept mo na nandito ka sa loob. Labanan mo, alagaan mo ‘yung sarili mo na sigurado magdasal ka lang, walang imposible lahat sa Panginoon.”

 

Show comments