MANILA, Philippines - Sa ilalim ng direksiyon ng award-winning na si Maryo J. Delos Reyes at sa panulat ni Vanessa Valdez, ang The Unmarried Wife ay isang mature love story na magbabahagi ng iba’t-ibang pananaw sa relationships. Tampok dito sina Dingdong Dantes, Paulo Avelino, at Angelica Panganiban.
Umiikot ang istorya kay Anne (Angelica) – isang babae na may malalang inhibitions sa pag-ibig dahil sa isang traumatic childhood experience. Nawala ang kanyang pag-aalinlangan sa pag-ibig nang matagpuan niya ang kanyang great love sa katauhan ni Geoff (Dingdong). Sa kasamaang palad, hindi nagtagal ang mala-rosas niyang relasyon sa kanyang asawa dahil sa pangangaliwa nito. Habang nagdurusa siya upang ipaglaban ang kanyang pamilya, susubukang hilumin ng kanyang kaibigan na si Bryan (Paulo) ang mga sugat ng kanyang puso at ipinangako nito na kanyang ibibigay ang pag-ibig na nararapat para kay Anne.
“It’s a very challenging role for me. It’s a very challenging film. Kaya doon siguro pumapasok ‘yung part na kinakabahan ako. Alam ko nga, na hindi ko hahayaang mapunta sa ibang `yung project noong sinabi sa akin,” pahayag ni Angelica.
Sa ikatlong pagkakataon, medyo nakasanayan na niya ang pag-arte kasama si Angelica. Sa katunayan, nabantayan niya ang growth ni Angelica bilang actress. Aniya, “Very sensitive ako when it comes to my co-actors and I guess ganoon din siya. Dahil sa pakiramdaman namin, we started on the right premises and ‘yong respeto namin sa isa’t isa ay nandoon din to begin with. I respect and admire her body of work so much.”
Tunghayan ang The The Unmarried Wife sa November 20 Rome, Milan at Italy; November 24 UAE, Qatar, Bahrain, Oman at Papua New Guinea; November 25 U.S., Canada and Saipan; November 26 Austria; November 26 UK; November 27 Spain, Hong Kong, and Singapore; and December 1 Australia and New Zealand. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.tfc-usa.com/unmarriedwife, www.tfc-ca.com/unmarriedwife, emea.kapamilya.com.