Zanjoe gusto nang magkaanak
Ang teleseryeng Tubig at Langis ang huling proyekto ni Zanjoe Marudo sa telebisyon na nagtapos kamakailan. Ngayon ay nagpapasalamat ang aktor dahil napabilang siya sa cast ng My Deart Heart na malapit na ring mapanood sa Kapamilya network.
“Actually unexpected na meron na ako ulit na gagawin na bagong teleserye. Ang ganda, kasi kumbaga dati ito ‘yung ginawa ko na show about isang tatay and isang bata. Tungkol sa family na naman ito, kasi ‘yung last na ginawa ko Tubig at Langis, ‘yung about love and pagkakamali. Bumalik ulit ako sa core ko talaga na madalas kong ginagawa, ‘yung pagiging tatay sa isang bata,” nakangiting pahayag ni Zanjoe.
Matatandaang tatay ang naging karakter noon ng aktor sa teleseryeng Annaliza na pinagbidahan ni Andrea Brillantes at Dream Dad na pinagbidahan naman ni Jana Agoncillo.
Samantala, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto na rin daw ni Zanjoe na magkaroon ng sariling anak. “Nakakasabik siyempre. Nakaka-excite na minsan parang nakakainggit din na ‘yung iba may mga cute na anak na. Ako nga sa pamangkin pa lang tuwang-tuwa na ako eh. What more kung akin pa talaga ‘di ba? Pero habang wala pa, hindi pa dumarating, ini-enjoy ko muna itong mga anak ko sa teleserye,” pagtatapat ng binata.
Kasama rin sa bagong teleserye ang batang si Nayomi Ramos, Coney Reyes, Joey Marquez, Rio Locsin, at Bela Padilla.
Kaboses din daw si James Reid: Inigo nahihiya ‘pag ipinagyayabang ni Piolo sa mga kaibigan ang kanta
Maayos ang pakikitungo ni Piolo Pascual sa ina ng anak na si Inigo Pascual. Madalas daw na nagkakausap ang dating magkarelasyon tungkol kay Inigo. “They’re okay. Siguro po may reason kung bakit gano’n ‘yung situation. Whenever they have to talk about me, okay sila. Kunyari sa education ko, tungkol sa career, pinag-uusapan nila,” bungad ni Inigo.
Samantala, kamakailan ay nag-release na ng sariling album ang baguhang aktor at marami raw ang nakapapansin na magkahawig ang boses nila ni James Reid. “It’s not a bad thing. James can sing. I’ve worked with him sa dalawang projects, my first movie and sa Hopeless Romantic, I was able to work with him. Magaling talaga siyang kumanta and being compared to someone like him is not a bad thing at all. I take it as a positive thing but of course I want to establish my own sound as well,” giit ni Inigo.
Sobrang proud din daw ni Piolo para sa kauna-unahang album ng anak. “No’ng nasa Australia siya, ipinakita niya sa akin na he was listening to my album sa Spotify. Sabi niya, ‘yon na raw ‘yung roadtrip album niya for the vacation kaya masarap sa pakiramdam. Minsan nga awkward, ‘pag nasa kotse kami iba-blast niya ‘yung album ko. Sabi ko, ‘Pa, change the music,’ eh may kasama kaming iba. Siyempre nahihiya pa rin ako. Nando’n pa rin ako sa nahihiyang stage,” nakangiting kwento ni Inigo.
- Latest