Parade of Stars at Awards Night ng MMFF pinagdududahan kung tatauhin
MANILA, Philippines – “Gaganahan ka ba niyang pumunta sa Luneta para manood ng parade eh walang malalaking artista? Sino’ng fans ang magtitiyaga,” ang biglang prinoblema ni Nay Lolit Solis sa mga nakasali sa Magic 8 ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF). “Eh ang awards night, sino’ng malalaking artista ang pupunta?” isa pa niyang pino-problema.
“Saka ang mga bata wala pa ‘yang mga pakialam sa quality, gusto lang nila mag-enjoy sa Pasko. Ayaw na nilang problemahin ang buhay ng ibang tao,” pahabol niyang comment kahapon.
Namatay na nga naman ang Manila filmfest na ginaganap tuwing June, nanganganib pang tumamlay ang dating masiglang-masiglang buwan ng mga Tagalog na pelikula tuwing Pasko.
‘Pag ganyan daw nang ganyan, kalaunan, mamamatay na rin ang Metro Manila filmfest na ngayon pa lang, “Metro Manila Indie Filmfest” na ang tawag, hahaha.
May punto naman talaga siya. Paano pa mae-encourage ang mga batang manood ngayong Pasko kung seryoso ang tema ng mga pelikula at ni hindi masyadong kilala ang mga artista?
At ang tiyak na malungkot din ay ang ilang mga sinehan dahil baka nga mabawasan ang mga manonood.
At baka mas malaki ang kitain this time ng mga theme park like Star City.
Unless ha magbago ng isip ang mga bata at ma-encourage nga silang panoorin ang walong pelikula na not so ordinary ang kuwento like ‘yung Sunday Beauty Queen.
Award ang naging problema ng MMFF noong nakaraang taon. Nang may umupong bagong executive officer, binago ang guidelines and deadlines.
Sina Nora Aunor, Julia Barretto, Paolo Ballesteros, Eugene Domingo, Rhian Ramos ang ilan lang sa bida ng mga nakasali sa MMFF Magic 8.
Wait and see tayo kung nagbago na nga ba ang audience at tangkilikin na nila ang mga de kalidad na indie film.
DanRich mapapanood na sa Kazakhstan, Myanmar, at Africa…
Maituturing na isa sa pinakamatatagumpay na serye ngayong 2016 ang Be My Lady na pinagbibidahan nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales.
Halos mag-iisang taon na nga ito sa telebisyon at hanggang ngayon ay nangunguna pa rin ito sa timeslot nito sa umaga. Sa kabila ng iba’t ibang programa na tumapat dito, nananatiling mas tinatangkilik ng mga manonood ang kwento ng pag-ibig nina Phil (Daniel) at Pinang (Erich) na kamakailan nga ay nauwi na sa kasalan.
Trending din ito sa social media araw-araw at nagpauso pa ng viral song craze na Tatlong Bibe.
Ngunit higit sa lahat, nakapagbahagi ang Be My Lady ng mahahalagang aral sa viewers. Nagsilbing inspirasyon sina Phil at Pinang at ipinakitang hindi hadlang ang pagkakaiba ng kultura pagdating sa pag-ibig. #FamilyGoals din na matatawag ang pamilya Crisostomo na nanatiling masaya at nagkakaisa sa hirap man o ginhawa.
“Nagpapasalamat po talaga ako na bahagi ako ng napakagandang programang ito. Marami po kaming feedback na nakukuha na nagagawa ng show na pagsama-samahin ang buong pamilya kaya naman po mas inspired kami na galingan pa. Para sa amin ang pagtagal namin ng ganito katagal sa ere ay hindi lang patunay sa tagumpay ng show kung hindi isang malaking karangalan at blessing po talaga,” sabi in Erich.
“Gusto talaga namin na bigyan kayo ng show na positibo, puno ng good values, nakasentro sa Diyos, at makapamilya. Masaya kami na na-inspire namin kayo,” dagdag ni Daniel.
Dahil sa impluwensya nito sa manonood, kinilala kamakailan ang Be My Lady bilang Best Drama Series ng Catholic Mass Media Awards para sa mahusay na pagpapalaganap nito ng aral sa mga manonood.
At nakatakda na itong ipalabas sa Kazakhstan, Myanmar, at Africa sa susunod na taon.
Sa pagtatapos ng kanilang kwento ngayong darating na linggo, tunghayan ang pag-uumpisa ng kanilang journey to forever sa kanilang bagong buhay mag-asawa. Uumpisahan na rin nilang bumuo ng kanilang sariling pamilya.
Ano pa nga ba ang mga pagsubok na haharapin nila ngayong sila ay ganap nang mag-asawa? Mapanindigan kaya nila ang kanilang mga sinumpaang pangako sa isa’t isa?
- Latest