^

PSN Showbiz

C1 Originals Films, nasa mga sinehan na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mapapanood na sa mga sinehan ang pinakaina­abangang indie films sa pagbubukas ng taunang Cinema One Originals Festival 2016 noong Linggo (Nov. 13) sa Trinoma Cinema 7.

Dinaluhan ng iba’t ibang film makers, artista, at movie aficionados ang opening night ng festival kung saan bumida ang mga pelikulang kalahok sa patimpalak ngayong taon.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang festival director at head ng Cinema One na si Ronald Arguelles sa patuloy at mainit na pagsuporta ng mga manonood taon-taon.

Ginawaran din ng special citation noong gabi ang ilan sa mga pelikulang nagbigay karangalan sa loob at labas ng bansa gaya ng Ang Babaeng Humayo, na pinagbidahan nina Charo Santos-Concio at John Lloyd Cruz, at Cinema One Originals 2015 en­tries na Miss Bulalacao at Manang Biring.

Featured film sa opening night ang acclaimed foreign film na The Wailing na talaga namang nagpakilabot at nagpatayo sa balahibo ng mga dumalo.

Mapapanood ang Cinema One Originals sa sa Trinoma, Glorietta, Gateway, Greenhill Theater Mall, at Cinematheque Centre Manila hanggang November 22. Mabibili rin ang festival pass sa www.ticketworld.com.ph.

CINEMA ONE ORIGINAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with