Boss Vic seryosong pasikatin si Sofia

Kahit pagod at may jet lag pa, hindi pinalagpas ng Viva Entertainment Group of Companies big boss na si Boss Vic del Rosario, Jr. ang pagdalo sa ika-35th anniversary ng kumpanya na ginanap sa Auditorium ng Philip­pine Stock Exchange sa Ortigas Center, Pasig City last Friday, November 11 ng gabi na dinaluhan ng halos 1,000 empleyado ng kumpanya maging ng marami sa kanilang mga contract stars and talents.

Ang baguhang contract talent ng Viva Artists Management na pinamununuan ni Veronique del Rosario na si Sofia Gonzalez ang isa sa mga nag-perform at tuwang-tuwa ang top honcho ng Viva dahil meron na naman siyang talent na pasisikatin sa katauhan ng panganay ng mag-asawang Alfred at Mayor Kring-Kring Romualdez.

Malapit nang i-launch ng Viva Records matapos nitong i-record ang kanyang debut single na Pikit-Mata, isang orihinal na komposisyon ng batang composer na Rica del Rosario.

AiAi hindi na makakalimutan ang 52nd birthday

Never na makakalimutan ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas ang celebration ng kanyang ika-52th birthday last November 11 dahil sa araw na ito iginawad sa kanya ang Solemn Investiture of the Pro Ecclesia et Pontifice Award mula sa Santo Papa sa pamamagitan ni Most Reverend Bishop Antonio Tobias DD ng Diocese of Novaliches.

Ang special thanksgiving concelebrated mass na pinamunuan ni Bishop Tobias ay sinamahan ng clergy of the Diocese fo Novaliches ganundin sina Rev. Fr. Allan Samonte at Rev. Fr. Erick Santos na malalapit na kaibigan ng singer-comedienne kasama ang mga seminarians ng UST Central Seminary.

Ang Papal document ay binasa during the mass ni Rev. Fr. Roland Jaluag in Latin at ni Rev. Fr. Erick Santos sa English translation.  At narito ang nilalaman ng Papal document:

Francis Supreme Pontiff

Has seen fit to Decree and bestow upon

MARTINA EILEEN H. DE LAS ALAS

The decoration of the Sacred Cross

FOR THE CHURCH AND POPE

especially established

for those performing outstanding service.

At the same time authorizing her to wear this decoration.

Given in the Vatican, on August 18, 2016

Signed and Sealed

PAOLO BORGIA

Assesor

Show comments