MANILA, Philippines – Nasa ika-siyam na taon na ngayon ang Mossimo Bikini Summit at handa na muli siyang magpasikat ng mga baguhang models.
Kukuha ng 32 finalists mula sa screenings ng event’s pocket shows na gagawin sa Davao, Cebu, Bohol, Pangasinan, Palawan at Manila.
Dadaan sa workshops ang mga finalist sa pangunguna ng magiging mentors na sina America’s Next Top Model Cycle 22 Stefano Churchill at Asia’s Next Top Model Cycle 3 first runner-up Monika Sta. Maria.
Magbabalik sa Boracay ang contest partikular na sa Hennan Regency Resorts and Spa kung saan gaganapin ang grand finals at ang grand winners na lalaki at babae ay mag-uuwi tig-P250,000, samantalang ang 1st runner-up ay P150,000 at P100,000 naman sa 2nd runner-up.
Ilan sa mga napasikat na ng Mossimo Bikini Summit ay sina Carlo Maceda, Jordan Herrera, Edward Mendez, AJ Dee, Eri Neeman, Gerard Acao, Mark Cruz, Kim De Guzman, Kiko Matos at ang ngayo’y Hollywood actor na si Marco Grazzini at iba pa.
Ang #MBSmodelsupremacy2017 ay production ng Lumina Events Management Inc. sa pangunguna ni Director Bernard Yabut Maybituin.