Pauleen aliw na aliw sa bagong apo! Robin mas malabo na raw magka-US visa?!

Vic Sotto

PIK: “Cute” ang comment ni Oyo Sotto sa post ni Pauleen Luna na photo ni Bossing Vic Sotto at bagong apo nitong si Marvic Valentin II.

Excited nga raw si Bossing noong dumalaw sila ni Pauleen sa hospital dahil gusto na niyang hawakan ang bagong apong si Vin.

Isi-celebrate naman ngayon ni Pauleen ang kanyang kaarawan at first birthday niya ito bilang Mrs. Sotto. Wala raw silang handaan dahil ayaw ng aktres. Okay na raw sa kanya na mag-dinner sila kasama ang buong pamilya.

PAK: Kahit hindi nagkabati sa Tacloban sina VP Leni Robredo at dating Sen. Bongbong Marcos nang magkita sila sa Yolanda anniversary kamakalawa ng hapon, hinarap naman si Vice President ng mga kamag-anak ni Sen. Bongbong. Si Mayor Cristina Gonzales-Romualdez ang nag-istima sa kanya kasama si Cong. Yedda Romualdez at ang asawa nitong si dating Cong. Martin Romualdez.

Hindi na nga ito gaanong napansin dahil na­baling ang isyu sa pagharut-harot ni Pres. Rodrigo Duterte kay VP Leni.

Pero natutukan pa rin namin ang pag-iiwasan ng dalawang magkatunggali noong nakaraang eleksyon. Nasa likuran lang nakaupo si Sen. Bongbong kapag magkasama sina Pres. Digong at VP Leni at hindi ito lumalapit. Wala namang nangahas na pagbatiin ang dalawa.

BOOM: Hanggang ngayon ay umaasa pa rin si Robin Padilla na mabibigyan siya ng US Visa. Ipinost niya sa kanyang Instagram account ang sulat sa US Embassy na naghihintay pa ring pagbigyan ng niri-request na Tourist Visa.

Bahagi ng sulat na ipinadala niya, “It is actually an honor for me to be just on the wait and not pressure your good office just to prove my very positive and good intentions to the United States of America but my situation right of this moment is urgent. My American Wife is giving birth soon and she needs me more than ever and Vice versa. I pray that your good office will find merit on this latest development regarding my US Visa Application.”

Hindi sumasagot ang kampo ni Robin kung napagbigyan ba ito ng US Embassy.

Kahapon ay mukhang wala pa ring linaw kung mabibigyan siya ng visa. Ipinost nito ang photo slide ng mga huling kuha ni Mariel na malaki na ang tiyan at mukhang malapit nang manganak. Nasa post din na bumoto si Mariel sa eleksyon kahapon.

Show comments